Tuesday, March 1, 2011

Mga gambling lord sa industriya ng ‘Jueteng’

TILA mabubura ang proyektong “Loterya ng Bayan” ng Philippine Charity and Sweepstakes Office (PCSO) dahilsa sa patuloy na operasyon ng ‘Jueteng’ at illegal gambling sa bansa.

Naging kahalili kasi ito ng nilusaw na STL o small town lottery lalo pa’t sa lalawigan ng La Union ay lantaran na raw ang operasyon ng jueteng.

Pag-aari ito ng isang LUDING BOONGALING kung saan may ginagawang madyik daw ang ale kaya ‘di matinag ng kapulisan.

Nagmistulang BULAG, PIPI at BINGI naman daw si GOV. ORTEGA sa jueteng operations ni Luding.

Super lakas daw kasi kay Gob si Luding dahil hanggang ngayon ay ‘di masawata ang kanyang iligl na operasyon.

Ang nagpapatakbo raw nito ay isang DANNY AVESILYA na bata ni Gob kaya tuloy ang ligaya ni Luding at ng kanyang illegal numbers game.

Madalas daw manakot ang mga bata ni Luding na ‘di siya takot sa kapulisan dahil hindi raw nawawalan ang mga ito ng “PABAON” at “PASALUBONG” mula sa kanya.

Ano kaya’ng masasabi rito ni LA UNION PD SR. SUPT. RAMON OYSON?

Si Tony “Bolok” Santos sa QC

LUMALAKAS ang jueteng operations ni TONY “BOLOK” SANTOS sa Kyusi.

Ipinagkakalat daw niya na ayos na sa kanya lahat ng media.

Pati pa nga raw ang mga pulis ay TIMBRADO na kaya ‘di na siya natatakot na mapa-operate siya ng Quezon City Police District Director.

Mahina nga yata ang INTELLIGENCE UNIT ng PNP-QCPD kaya ‘di nila natutunugan ang operasyon ni Bulok o baka naman may “PASALUBONG” o “PABAON” na sila rito?

Nagiging sakit na raw ng ulo ng mga residente rito ang patengwe ni Bulok dahil maging ang mga kabataan ay natututo nang tumaya.

Ewan ba natin kung anong uri ng intel gathering ang ginagawa ni GEN. BENJARDI MANTELE at ‘di niya napapansin ang illegal numbers game sa area of responsibility niya. Kilos naman general!

‘Sakla’ nina Linda at Dako sa Baclaran

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin masawata ng Parañaque Police ang ‘pa-sakla’ nitong isang Alyas Dako at Alyas Linda.

Nagmamalaki raw ang dalawa na hindi sila kaya ng mga pulis dahil may TIMBRE na sila rito.

Dagdag pa rito, ipinagmamalaki rin daw ng dalawa na protektado sila ng ilang miyembro sa media kaya umaariba ang kanilang operasyon.

Bukod sa sakla ay nagpapatakbo rin daw ang dalawa ng VIDEO KARERA at FRUIT GAMES.

Ipinamamalita pa raw ng mga ito na mahusay daw silang makisama sa MEDIA kaya patuloy ang kanilang pag-o-operate.

Malakas din daw kay BRGY. BACLARAN CHAIRMAN DON-DON CAILLES sina Dako at Linda.

Pati daw sa tanggapana ni new PARAÑAQUE POLICE CHIEF P/SUPT ALFREDO VALDEZ ay naka-TIMBRE na ang dalawa?

Jueteng sa Pangasinan, La Union buhay na naman

TULOY ang ligaya ng mga operators ng demonyong illegal numbers game na sumisira ng pangarap ng mga kabataan.

Pati mga bagito ay tumataya na rin daw at ginagawa pang kubrador ang ilan.

Muli na naming namamayagpag ang mga kilalang jueteng lords gaya nina BOY AQUINO sa Baguio City, LUDING sa La Union, at DON RAMON sa Quezon City.

Ayon sa impormasyon na ating nakalap, sinasabing bayaw daw ni DON RAMON si QCPD CHIEF SUPT. ELMO SANDIEGO.

Kaya raw hindi nalalansag ang grupo ng mga naturang JUETENG LORDS ay dahil may TIMBRE raw ito sa tanggapan ng PNP CHIEF.

Natuklasan na umaabot sa P5-M ang ibinibigay ng bawat JUETENG LORDS sa PNP CHIEF bilang “PASALUBONG”.

Teka, alam kaya ito ni PNP CHIEF RAUL BACALZO? Kung hindi ay mas maiging BUMILI na siya ng HELMET dahil tiyak NABUBUKULAN na siya.

1 comment: