Monday, December 20, 2010

Tama si Paguia sa kaso ni Webb; mga Sacaguing natuwa sa desisyon ng SC

ILANG araw pa, bago opisyal na naglabas ng desisyon ang Supreme Court (SC) sa kaso ni Hubert Webb kaugnay ng Vizconde Massacre, ang idolo nating abogado na si Atty. Alan Paguia ay ating nakausap nang live sa programang ‘Lapid Fire’ ng inyong lingkod na napakikinggan tuwing hatinggabi (12:00 midnight to 1:00 am) sa Radio DWIZ (882 khz).

Sa ating panayam, narito ang mismong pahayag ni Atty. Paguia na tumugma naman sa ibinabang desisyon ng SC sa kaso ni Webb:

“With all due respect, what people think is immaterial. The quantum of evidence on record is controlling. The defense is alibi. As a general rule, it cannot prevail over positive ID by eyewitness. The exception is when there is compelling evidence showing physical impossibility on the part of Webb to be at the scene of the crime during the material time of commission. With the testimony of U.S. Immigration in favor of alibi, and some significant lapses on the part of the eyewitness, there is reasonable doubt as to Webb’s actual whereabouts during the material period. Ergo, Webb should be acquitted.”

Vindicated si Atty. Sacaguing

HABANG tinatalakay natin ang kaso ni Webb sa ating programa, mula sa California, USA ay tumawag ang matagal na pala nating listener na si Artemio ‘Thor’ Sacaguing, III upang ipahayag ang kagalakan na kanilang nadarama sa pagkakaabsuwelto ng SC kay Webb at mga kasamahan niya matapos magdusa ng 15 taon sa bilangguan.

Si Thor ay anak ni yumaong Atty. Artemio Sacaguing, ang noon ay lead agent ng National Bureau of Investigation (NBI) na humawak sa Visconde Massacre.

Tumestigo sa mababang hukuman si Atty. Sacaguing laban kay Jessica Alfaro na nagboluntaryo para tumayong ‘star witness’ at nagdiin sa grupo ni Webb.

Sinabi ni Sacaguing sa hukuman na si Alfaro ay hindi mapagkakatiwalaang testigo.

Si Alfaro na sinasabing drug addict ay dating asset ng NBI at nasa ilalim ng tanggapan ni Sacaguing.

Dahil sa kanyang pagkontra kay Alfaro, nasira ang kinabukasan at career ni Sacaguing matapos siyang pag-initan ng dating liderato sa NBI at kung saan-saan na siya itinapon ng destino hanggang magretiro at pumanaw.

Narito po ang mensaheng ipinadala ni Thor sa ating E-mail, isang araw bago natin siya nakapanayam sa ating programa:

“Good morning sir! I was listening to your program earlier, The news about Hubert’s case really made me happy, kahit huli na lumabas pa rin na tama ang father ko! Kasi ako ang nagbantay and nag-alaga sa kanya nu’ng nagkasakit siya until he died. This was one case that we talked about a lot, kasi nga this was the case that got him in trouble with his superiors. Sabi nga niya sa akin, sinabihan daw siya ng official niya na ‘di sya marunong makisama sa Bureau, and he replied to them - my favorite line of my dad: I’D RATHER GET PUNISHED FOR TELLING THE TRUTH THAN BE REWARDED FOR TELLING A LIE! Ayun, sa kabutihang palad, naging member siya ng marines, na-floating siya! Hehehe! And then later on, itinapon sya sa Bulacan and his career never recovered from it until he retired and migrated here in California, USA. He was then diagnosed with lung cancer and died from it! Ganda story daddy ko no, sir?! I’m so proud of him kasi kahit di kami mayaman, malinis at mabango naman ang pangalan namin. Just let me know if you want me to call your program tomorrow, I’ll call you long distance. Good day to you, sir!”

Avid follower pa ng ‘Lapid Fire’ program sa Los Angeles, USA

JUN ESPINOSA (Los Angeles, Ca., USA) – “Ka Percy, ‘buti naman at nabangit niyo ang e-mail address niyo. Noon ko pa gustong maki pag communicate sa inyo, bilib ako sa tapang niyo sa pag batikos sa mga kurakot sa gobyerno. Dito po ako nakatira sa Los Angeles, California at palagi po akong nakikinig at nanonood sa inyo araw-araw habang nagtratrabaho. Ka Percy mabuti naman po at naka-align kayo kay Mayor Lim, mabuting servant siya. Naalala ko noong siya pa ang commander ng Northern Police at nasunog ang Farmers Market sa Cubao e nakita ko siyang natutulog sa Mobile car dahil siguro sa pagod sa pagbabantay sa situation. Sana po ay ituloy niyo ang laban n’yo, at siyanga pala, narinig ko rin po kayong kumanta at magaling kayo, lalo na nang kinanta niyo ang ‘Skyline Pigeon’. Sige po at kumusta na lang kina Lollipop at Jograd, mabuhay po kayo!”

Friday, December 10, 2010

‘Truth Commission’ binaril ng Supreme Court, patay!; GMA and Co., nagdiwang

WALANG katapat na kaligayahan ang nadarama ngayon ng mga tulisan at magnanakaw na nagpasasa sa loob ng mahigit siyam na taon ni GMA sa pwesto matapos paslangin ng Korte Suprema ang Executive Order No.1 na bubuo sa ‘Truth Commission,’ kamakailan.

Garapalang pinaboran ng SC ang petisyon na inihain ni Rep. Edcel Lagyan, este, Lagman pala, na ang EO No. 1 ni Pang. Noynoy Aquino at ang pagtatag ng TC ay lalabag daw sa probisyon ng Saligang Batas tungkol sa “equal protection of the law’.

Alam naman ng lahat na sa 15 mahistrado, 14 sa kanila ay pawang si GMA ang nagtalaga sa puwesto kaya hindi na tayo dapat magtaka kung bakit mistulang sarado na ang pintuan ng SC sa anumang balakin na makakaapekto sa kapanan ng mga tumampalasan sa sambayanan. Katunayan, pangalawang beses na ito. Ang una ay ang pagkakayari sa EO No.2 na naglalayong mapatalsik ang mga alipores ni GMA upang hindi na magamit pa ang kanilang puwesto sa pagnanakaw.

Arrest now, explain later

KUNSABAGAY, walang makapipigil kay P-Noy na maglabas ng panibagong EO kung talagang nais niyang isulong ang kanyang simulain laban sa institusyon ng katiwalian na itinatag ng rehimeng Arroyo.

Kaya lang, tiyak na hindi pa rin titigil ang mga nasa executive, legislative at judiciary sa pakikipagsabwatan sa dati nilang among si GMA hangga’t ramdam nilang hinahabol sila ng kanilang mga dapat panagutang kasalanan sa mamamayan.

Subukan naman kaya ni P-Noy na gamitin ang malimit nating banggitin sa ating programa sa radyo – ang ARREST NOW, EXPLAIN LATER - bago siya maunahan ng mga damuho na nasisiguro nating lahat ay gagawin hangga’t hindi nila siya napa-tatalisik sa pwesto.

“Test of Character”

PAMELA SANTOS (New York, USA) - “Test of character ang hinahanap ni P-Noy. So far he is passing the test, he was born with it, it’s in his blood.”

Itama ang bayad sa pasahe

MARTIN DE LEON – “Ka Percy, balak na naman taasan ang pamasahe. Kung hindi maiiwasan bakit ang hindi. Pero tila ang gobyerno, lalo na ang nakaraan, ay ‘di talaga serbisyo sa bayan ang tungkulin kundi pagkakakitaan ang bayan. Nagtaas ang pamasahe, naglabas ng fare matrix pinabayaran sa mga operator ng kung ilang daang piso. Gaano ba kamahal ang papel na ginamit dito? Dapat bang bayaran ng malaki ang pagko-compute ng pamasahe bawat kilometrahe? Isa pa, kapuna-puna para sa aming mga commuters na pag nataas ng pasahe, may dagdag sa minimum fare, may dagdag din sa bawat kilometrahe. Pero pag nagbaba ang pasahe, minimum fare lang ang bababa pero mananatili ang dating mataas na pamasahe sa bawat kilometrahe. Ito ay katamaran at kagulangan ng mga namiminuno sa gobyerno. Tinatamad silang gumawa ng panibagong fare matrix o dili kaya ay kung gagawa sila ay mahihiya naman silang sumingil para dito mula sa mga operator dahil pabawas ang pasahe. Isinasakripisyo nila ang kapakanan ng bayan, lalo na ng mga mahihirap. Bakit, short distance lang ba lagi ang biyahe kaya minimum fare lang ang may tapyas pamasahe? Matatandaan na nang gawing P8 ang minimum, itinaas din ang pasahe sa bawat sumusunod na kilometro, at bunga nito pinabayaran ng napakamahal ni Len Bautista Horny ang mga fare matrix sa mga operators. Noong bumaba ang langis sa world market, ginawa muling P7 ang minimum, ngunit nanatili ang halaga ng pamasahe sa bawat sumunod na kilometrahe. Abangan natin ngayon ang gobyerno ni Pang. Noynoy kung ano gagawin ‘pag nagtaas ng pamasahe. Baka dagdagan na naman bawat ang kilometrahe. Huwag na naman sana.”

“Lapid Fire” listener sa Europe

RB VILLAFLORES (Milan, Italy) – “Alam n’yo po G. Percy, nakaraang linggo ko lang kayo nadinig sa radio, kagyat po akong humanga sa tapang ninyo. Sana po tularan kayo ng iba pang media sa katotohanan. Dito po ako naka-base sa Milan, Italy. ‘Buti na lang may internet radio. Mabuhay po kayo!”

Wednesday, December 8, 2010

Deportation vs BDZ exec

DAPAT ideklarang ‘persona non grata’ at ipatapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) papalabas ng bansa ang dayuhang negosyante raw na si Dimitry Detilleux na nagpapakilalang North Asia manager ng Baggerwerken Decloedt En Zoon (BDZ), ang contractor sa “highly anomalous dredging” ng Laguna de Bay na ipinatigil ng gobyerno.

Masyadong masama ang tabas ng dila ng punyetang dayuhan kung pagbantaan ang kasalukuyang pamahalaan na kakasuhan daw niya kapag itinuloy ang naunang direktiba ni Pang. Noynoy Aquino na kanselahin ang kontrata sa dredging ng Laguna de Bay.

Walanghiya ang hindot na ito at nagbabanta pang ikakampanya pa raw niya sa mga negosyante sa Europa at sa buong mundo na huwag mamuhunan dito sa atin sakaling mapurdoy ang nasabing kontrata.

Walang ibang dahilan tayong nakikita para magwala ang tarantadong ito kundi ang malaking halaga marahil na naipanghatag na niya sa mga magnanakaw na opisyal sa dating administrasyon na kasabwat niya para makuha ang nasabing kontrata kaya ganu’n na lang ang galit niya.

Kontrata ng BDZ sa Pasig River at LLRP maanomalya, labag sa batas

MALIWANAG na nilabag ng dating administrasyon ni GMA ang batas sa pagkaka-award ng kontrata sa BDZ na hindi dumaan sa proseso ng “bidding”.

Ibinulgar ng isa pang Belgian contractor na ang P5-B kontrata sa dredging ng Pasig River at P18.7-B naman sa Laguna de Bay ay hindi totoong “Government to Government” contract dahil ang pondo ay loan o utang ng dating administrasyon sa bansang Belgium na ang makukuba sa pagbabayad ay walang iba kundi ang mamamayan.

‘Yan ang dahilan kung bakit kinailangan pa ng mga magnanakaw sa dating administrasyon na pagawin ng “LEGAL OPINION si dating Department of Justice (DOJ) Sec. Alberto Agra upang takpan ang malaking anomalya at mailusot sa kaso ang mga promotor na nagkamal sa kontrata ng BDZ.

Upang mapalitaw na ligal ang transaksiyon na hindi dumaan sa proseso ng bidding, umimbento si Agra ng termino at tinawag niyang “EXECUTIVE AGREEMENT” ang maanomalyang kontrata.

Kaya nang maluklok si P-Noy, agad niyang inatasan si DOJ Sec. Leila de Lima para repasuhin ang legal opinion ni Agra.

Dahil pawang kasapakat, este, kasamahan ni De Lima sa dating administrasyon ang kumita at sabit sa katarantaduhang ‘yan, inayunan niya ang “KENKOY” na opinion ni Agra.

Pangunahing sabit sa nabulgar na anomalya si dating DENR Sec. Lito “Peke ang Diploma sa PLM” Atienza, Jr.

Ang kambal na dredging ng Pasig River at Laguna de Bay ay kapwa proyekto sa ilalim ng DENR at ang maanomalyang kontrata ay naaprubahan sa panahon ni Atienza.

Tuloy ang suporta vs. kuliglig, pedicabs

MISS ‘X’ (Mandaluyong City) – “Tama si Mayor Lim sa paggamit ng kamay na bakal laban sa mga ayaw sumunod sa kaayusan ng Maynila. More power!”

* * *

MANNIX (Quezon City) – “Anarchy is unacceptable, emboldened under the guise of decent earning a living. They thrive to tell us we’re too kayang-kaya. We support Mayor Lim!”

* * *

TOLITS (Tondo) – “Tama si Mayor Lim na pairalin at tapusin na ‘yang mga nagkalat na sidecar or kuliglig, sobra na dami nila, istorbo na sa mga kalye ng Maynila.”

* * *

JOY RAMOS – “Paki sabi mo kay Mayor Lim na ‘yung mga pedicab sa Intramuros grabe maningil. ‘Yung isa sabi P40, then nu’ng tinatawag namin ‘yung isa P20 na lang. Tapos mamaya ho may lumapit P10 na lang ang sinisingil. Kaya ho ‘yung mga estudyante hindi makasakay dahil tinataga nila ng P40 or P20 isang tao, mga bata pa ho kasi kaya’t kayang-kaya nilang lokohin samantalang pwede naman po palang P10 pesos lang ang rate. Bakit ‘di implement ‘yung price na ‘yun? Salamat po!”

* * *

LINDA CRUZ (Obando, Bulacan) – “Oo nga, meron diyang nagsusulsol. Sana Mr. Lapid Fire, isunod naman ni Mayor Lim ‘yung mga timbangan sa Divisoria. Karamihan may daya, 1-Kilo pero ¾ lang.”

* * *

CONCERNED CITIZEN (Cavite) – “Tama ang sinasabi n’yo tungkol sa mga pasaway na kuliglig at pedicab. Sana ma-phase out na sila. Marami pa sa kanila addict at ex-convict, delikado mga pasahero nila.”

Monday, December 6, 2010

Piliin si Lacuna kontra Atienza

BALITANG magpapaulan bukas ng limpak-limpak na pondo ang kampo ni dating DENR Sikwat-tary, este, Secretary Jose “Lito” Atienza, Jr. para matiyak ang panalo ng kanyang anak na tatakbong pangulo sa Liga ng mga Barangay sa Lungsod ng Maynila.

Si Ali ay pinatakbong chairman ng kanyang ama sa San Andres, Maynila at ipinagpilitang ipanalo sa katatapos na halalan ng mga barangay noong Oktubre na ginastusan ng hindi birong halaga.

Sasagupain ng uhuging si Ali - gamit ang sangkatutak na salaping naimpok ng tatay niya sa panahon ni GMA - si Konsehal Philip Lacuna, anak ni dating Vice Mayor Danilo Lacuna na kasalukuyang pangulo ng Liga sa Maynila.

Malayung-malayo ang uhuging si Ali sa nakababatang Lacuna kung hindi sa ipamimigay na salapi ng kampo ni Atienza ibabase ng mga boboto ang kanilang pagpili sa magiging kinatawan ng barangay sa Konseho.

Ang pagtakbo ni Ali bilang chairman at ngayon naman ay tatakbong Liga president ay maitutulad sa isang ahas na gumagapang papasok ng City Hall upang doon maghasik ng lagim.

Si Ali ay isang “mediocre”, nagpapanggap lang na may alam pero sa katotohanan ay wala naman.

Tulad ng kanyang ama, si Ali ay kabilang sa mga humahawak ng “Mickey Mouse” o pekeng diploma sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Ang diplomang ipinangangalandakan ni Ali na siya ay may diploma at nagtapos ng “Master in Government Management” sa PLM noong March 31, 2007 ay hindi kinikilala ng gobyerno dahil ito ay peke.

Gayon din ang tatay niya, ipinagyayabang na sabay daw niyang natamo ang kanyang “Bachelor in Public Administration” (March 16, 2004) at “Master in Urban Planning” (March 31, 2004), ilang araw lamang ang pagitan.

Pero pinatunayan ng Commission on Higher Education (CHED) na ang kanilang diploma ay peke. Hindi ba malaking panlolokong matatawag ‘yan? He, he, he!

Ang ipinapakita nilang diploma ay isinasama nila sa kanilang credential para makakuha ng puwesto sa gobyerno.

Paano magagampanan ng isang pekeng tulad ni Ali ang malaking responsibilidad bilang konsehal kung ultimo sarili nga niya ay hindi niya kayang ayusin?

Tiyak na si Ali ay gagamitin lang ng kanyang ama sa mga pinaplano nilang katarantaduhan para ipambala laban kay Mayor Alfredo Lim sakaling maka-tsamba na maluklok sa Konseho ng Maynila.

Noong 2007, si Ali ay ginamit ng tatay niya at pinatakbong mayor pero natalo matapos ilampaso ni Mayor Lim sa eleksiyon.

Balita pa na ito raw si Manny Paquiao ay tumutulong kumampanya para sa damuhong mapagpanggap na si Ali.

Pabor kay Mayor Lim vs. kuliglig, pedicabs

ANONYMOUS - “Tama ang ginawa ni Mayor Lim na ma-break na ang pagiging kunsintidor ng iba sa pagpapatupad ng batas na kapag hindi na kayang supilin ay pababayaan na lang. Ang suporta ko ay kay Mayor Lim!”

* * *

REY SALAS (LPC) – “’Yang mga sidecar na ‘yan ay mga abusado ‘yan at matatapang pa mga ‘yan, akala mo may ipinagmamalaki. Tama ang ginagawa ni Mayor Lim, saludo ako. ‘Yang mga ‘yan ay hindi naghahanap-buhay kundi namemerhuwisyo sa kalsada.”

* * *

PAT (San Mateo, Rizal) – “Tama lang ‘yung sinasabi n’yo kasi sagabal sa daan ang mga pedicab at kuliglig na ‘yan. At kung maningil ay sobra-sobra pa! Dapat linisin ni Mayor Lim!”

* * *

DONALD (Tondo) – “Karamihan diyan sa mga driver ng pedicab at kuliglig mga pasaway talaga ‘yang mga kupal na ‘yan at walang pakinabang ang gobyerno. Karamihan din diyan ay hindi taga-Maynila at hindi rin mga botante sa Maynila.”

* * *

DAISY (Quezon City) – “Matuwa kami nu’ng nabanggit n’yo na noon pati kambing isinasakay sa bus. Tama po ang comment n’yo regarding pedicab and kuliglig na pinabayaan ni Atienza na dumami sila. More power!”

Friday, November 26, 2010

Kaplastikan ng mga kontra sa condom

OKEY kay Pope Benedict XVI ang paggamit ng condom upang maiwasan, aniya, ang lumalagong bilang ng mga nahahawahan ng HIV at nagkakasakit ng AIDS.

Dapat lang, tumahimik na rin ang simba-han at ang mga plastik na kontra sa condom na nakapaloob sa RH Bill.

Ang paggamit ng condom ay unang kinokontra ng simbahan at ng mga nagbabanal-banalan sa “Pro-Life” na ang makitid na paniwala ay isa raw itong paraan ng pagpatay at walang ipinagkaiba sa abortion.

Parang sinabi na rin nila na masamang kumain ng itlog, penoy at balot bago maging sisiw. Kung dapat ibawal ang condom dahil isa itong paraan ng pagpatay, ipagbawal na rin dapat ng simbahan ang ‘pagtetebats.’

Mas makatotohanang paniwalaan na sabihing ang pakikipag-sex ay ‘di singsarap kung may suot na kapote o condom kaysa sabihing ang paggamit nito ay isang paraan ng pagpatay. (‘Di ba, former Cong. Miles “Peke ang Diploma” Roces?)

Sa ngalan ng condom, sa bansang ito ay napakaraming nagpapanggap na nagpapahalaga raw sa buhay pero napakaraming bata na walang makain ang nagkalat sa lansangan na ayaw naman nilang tulungan.

Pacquiao ‘Poster Boy’ dapat ng abortion sa USA

LAKING tuwa naman ng simbahan kay Rep. Manny “Pacman” Pacquiao matapos niyang suportahan ang pagkontra sa condom, lalo na at nangako ang damuho na pangungunahan ang kam-panya laban sa RH Bill bilang “poster boy.”

Kaya naman nang bumalik sa bansa si Pacman kamakailan ay isang engrandeng misa sa Quiapo ang sumalubong sa kanya at halos tang-halin siyang santo (ng mga sugarol) dahil sa katakot-takot na papuring binigkas ng pari sa pulpito para sa kanya.

Ang hindi alam ng simbahan at ng mga ipokritong kasapakat, este, kasamahan ni dating DENR Sec. Lito “Peke ang Diploma sa PLM” Atienza, Jr. na pinagmumukha silang mga estupido ni Pacman.

Ang hindi ko matiyak ay kung naiintindihan ba talaga ni Pacquiao ang kanyang mga pinagsasasabi.

Wala kasi tayong kamalay-malay na sa nakaraang eleksiyon sa Estados Unidos ng Amerika, si Pacquiao ang nagtaas sa kamay at nag-endorso sa kandidatura nina Sen. Harry Reid, dating US Senate majority floor leader, at dating US House Speaker na si Rep. Nancy Pelosi ng California.

Sina Reid at Pelosi ay mga kilalang pusakal na tagapagtaguyod ng abortion hindi lamang sa Estados Unidos ng Amerika kundi sa buong mundo.

Ito ang reaksiyon ni Pamela Santos ng New York, USA, isa sa masusugid nating listener sa worldwide broadcast ng ating programang Lapid Fire sa DWIZ (882 Khz.) na sabayang napapakinggan sa internet via ustream.tv/channel/lapidfire-dwiz.

Basahin natin ang E-mail ni Ms. Santos (Nov.22):

“Paki remind nga si Manny na napaka stupid niya or 2 face. Bago mag-celebrate ang simbahang katoliko sa mga pinagsasabi niya laban sa condoms etc., bakit niya itinaas ang kamay ni Harry Reid kaya nanalo ng pagka-senator na nuknukang maka abortion? Dahil lahat ng bills niya ay sumusuporta sa funding ng abortions not only in America, kung hindi sa buong mundo. Mas malaki ang damage na ginawa ni Manny sa teaching ng Catholic Church kasi ang effect nito, buong mundo. Si Harry Reid ay isa sa pinaka powerful voice ng Democrat, 2 sila ni Nancy Pelosi. I like Manny pero masyadong napupulitika e, marunong ng magpaikot ng tao. I like him as an athlete but not a politician.”

* * *

ROD PINEDA (Manila) – “I am one of your listeners in Lapid Fire program. Naging hobby ko na na makinig sa iyo every 12:00 midnight at kadalasan ay natutulog ako ng 8pm at nagpapagising ako sa misis ko ng 11:30 pm at habang nagkakape ako ay nakikinig ako sa iyo almost everyday. Ang gusto ko sa programa mo ay wala kang tinatago, basta sa totoo ka lang. Kung tama sila, purihin, at kung mali naman ay batikusin. I am all the way with you Percy. Kailangan ka ng isang bansang Pilipinas dahil ang isang tulad mo ang makakatulong sa pagbabago kung hindi man buong pagbabago sa kalakaran ng gobyerno. God Bless you at sana ay dumami pa ang katulad mong mediaman sa ‘Pinas. Asahan mo na kung mayroon akong alam na katiwalian sa gobyerno natin, ito ay ipapaalam ko iyo. Hoping for a better public service. Salamat sa iyo. I am a music lover too, I was a band drummer during my high school time, so I also listen to your Monday radio music jamming, but fortunately I humbly finished my Accountancy Course that lead me to travel to countries like, London, Rome, and USA. I am now 54 years old and conducting my own business. I have my own textile store. Good Luck and God bless you.”

Wednesday, November 24, 2010

“Ghost dredging” ng Pasig River

TUMPAK lang ang naunang desisyon ni Pang. Noynoy Aquino na kanselahin ang P18.5 billion na kontrata para sa “dredging” o paglilinis daw (kuno) ng Laguna de Bay.

Ang kontrata sa maanomalyang proyekto ay pinagtibay sa pagitan ng kompanyang Baggerwerken De Cloedt En Zoon (BDC) at ng rehimeng Arroyo.

Natuklasan na ang kontrata ay hindi dumaan sa proseso ng “bidding” o subasta kung kaya’t ipinag-utos ni P-Noy ang pagkansela dito.

Nadiskubre pa na ang BDC pala na nakakuha sa naunsiyaming dredging project ng Laguna de Bay at ang contractor na nagsagawa ng “multong dredging” sa Pasig River ay iisa.

Ang BDC ay isang Belgian company na binayaran sa halagang P5 billion ng rehimeng Arroyo sa kabila na hanggang ngayon ay wala silang konkreto o matibay na ebidensiyang maipakita upang patunayan na talagang nagsagawa nga sila ng dredging para linisin ang Ilog-Pasig na pangunahing dahilan ng pagbaha sa Metro Manila.

Hindi rin maipaliwanag ng BDC kung saang lupalop nila itinambak ang milyun-milyong tonelada ng “silt” o burak na sinasabing hinukay at hinakot daw nila mula sa kalaliman ng Ilog-Pasig kapalit ng halagang ibinayad ng gobyerno.

Walang unang dapat ipatawag ang Senado at Kamara sa hinihinging imbestigasyon ng maraming sector upang magpaliwang sa kasong ito kundi si dating Sec. Lito “Peke ang Diploma sa PLM” Atienza, Jr. na siyang nakaupo noon sa DENR nang maganap ang malaking kahayupang ‘yan laban sa sambayanan.

Kaduda-dudang legal opinion ng DOJ nina Agra at de Lima

NOONG una, pinalitaw ng mga hindoropot na ang proyektong popondohan ng “utang” mula sa bansang Belgium ay isang kasunduan na kung tawagin ay “Government-to-Government Transaction” na hindi na kailangan pang dumaan o sumailalim sa bidding.

Pero ibinisto ng isa pang contractor na ito ay walang katotohanan kung kaya’t si dating Sec. Alberto Agra, ang huling kalihim ni GMA sa Department of Justice (DOJ) ay tumahi ng “LEGAL OPINION” upang mapalitaw na nilabag sa batas ang transaksiyon.

Sa kanyang opinyon, sabi ni Agra “EXECUTIVE AGREEMENT” daw ang naturang kontrata.

Muling pina-review ng kasalukuyang administrasyon ang kontrata at ang opinion ni Agra ay inayunan ni DOJ Sec. Leila de Lima, dating chairman ni GMA sa Commission on Human Rights (CHR).

Sibakin si Cabrera sa LLDA!

IMBES na sundin ang direktiba ng Pangulo sa pagkansela ng kontrata sa dredging ng Laguna de Bay, ipinahiya pa siya ng damuhong si Gen. Manager Rod Cabrera na kanyang inuluklok lamang niya na hepe sa Laguna Lake Development Authority (LLDA).

Akalain n’yong sabihin nitong si Cabrera na “subject for review” o rerepasuhin lamang at hindi kanselado ang maanomalyang kontrata.

Kasunod nito, ipinag-utos ni P-Noy na pagpaliwanagin ang tarantadong opisyal ng LLDA naipaliwanag ang binitiwan niyang pahayag sa harap ng media.

Nasisiguro natin na malaking halaga ang kapalit kaya nagawang baligtarin at ipahiya ni Cabrera ang pangulo na nagluklok lamang sa kanya.

Katunayan, ang opinyong pinakawalan ni Cabrera ay kamukhang-kamukha at carbon copy sa “press release” ng BDC na lumabas sa mga pahayagan kamakalawa.

Ang dapat kay Cabrera ay hindi magpaliwanag kundi sipain sa puwesto dahil ipinapahamak niya si P-Noy!

Monday, November 22, 2010

P5-B pondo sa ‘dredging’ ng Ilog-Pasig pinaiimbestiga

HAYOP sa ‘di lang hayop ang mga dakilang magnanakaw na nagkamal at nagbulsa sa P5 billion pondo na kunwa-kunwariang ginamit sa ‘dredging project’ ng Ilog-Pasig bago bumaba sa Malakanyang si GMA at ang kanyang mga alagang kampon.

Sa ngalan ng sambayanan, ang pondo ay inutang ng rehimeng Arroyo sa bansang Belgium para sa rehabilitasyon ng Ilog-Pasig.

Ang proyekto ay isinailalim ng dating rehimen ni GMA sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at kay dating Sec. Jose ‘Lito’ Atienza, Jr., bilang katiwaldas.

Pero walang naniniwala na ang pondo ay totoo ngang napunta o ginamit para linisin ang Ilog-Pasig kahit ipagpilitan pa ng kompanyang Baggerwerken Cloedt En Zoon – isang Belgian contractor - na kesyo nakompleto raw nila nang mas maaga sa kontrata ang proyekto.

Ayon sa kakutsabang kontraktor, nalinis daw nila ang Ilog-Pasig sa loob lamang ng 8-buwan, imbes 10-buwan, o mas maaga ng 2-buwan, base sa pinasok nilang kontrata sa gobyerno ng Pinas.

Maliban sa paliwanag, ang Baggerwerken Cloedt En Zoon ay walang mailabas na konkretong ebidensiya upang patunayan na nagampanan nga nila ang paglilinis sa Ilog-Pasig base sa pinirmahang kontrata sa pamahalaan.

Hindi maipaliwanag at maipakita ng kontraktor kung saan nila itinambak o itinapon ang makapal na burak na sinasabing hinakot daw nila mula sa kalaliman ng Ilog-Pasig.

‘Yan ang dahilan kung bakit ipinatigil din ni P-Noy ang katulad na proyekto sa Laguna de Bay na nagkakahalaga ng P18 billion sa ilalim ng Laguna Lake Development Authority (LLDA).

Natuklasan ni P-Noy na ang kontraktor na yayari sana sa dredging kuno ng Laguna de Bay at sa Ilog-Pasig ay iisa – ang Baggerwerken Cloedt En Zoon.

Kung nagkataon pala, kahit wala na sa pwesto ang mga dakilang magnanakaw sa rehimeng Arroyo ay muntik pa nilang maipagpatuloy ang kanilang pagnananakaw at baka si P-Noy pa ang maputukan sa bandang huli.

Matalino man daw ang matsing ay mahuhuli rin. Tama ba Lito ‘Peke ang mga Diploma’ Atienza and Co.? He-he-he!

Naalala ko tuloy na pagkatapos ng bagyong ‘Ondoy,’ itong si Atienza ay nabasa ko sa pahayagan na dumedelihensiya ng $2-B mula sa bansang Japan na kuning-kuning ay gagamitin ng DENR para sa rehabilitasyon naman daw ng Manila Bay.

Nakalimutan niya yata na siya ang unang-unang bumaboy sa Manila Bay nang ipatayo niya ang mga establisiyemento sa Baywalk.

Sa madaling sabi, gustong gawing negosyo ang rehabilitasyon kuno at kung saan-saan isinasangla ang taong bayan para makautang.

Ito ay maliwanag na malaking panloloko at panggagantso sa mamamayan na siyang magbabayad sa ninanakaw nila.

Daig pa ng mga ‘ijo de punyeta’ ang tumama ng jackpot sa Lotto.

Kinukuwestiyon din ang “legal opinion” ni dating Department of Justice (DOJ) Sec. Alberto Agra na kinatigan ni kasalukuyang Sec. Leila de Lima.

Kamakailan nga pala, ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) ay nanawagan sa Senado at Kamara na imbestigahan ang kahina-hinalang proyekto.

Friday, November 12, 2010

Pekeng diploma ng mga Atienza sa PLM paiimbestiga ni Lim

IPINAG-UTOS na ni Manila Mayor Alfredo Lim na imbestigahan ang tungkol sa mga pekeng diploma na iginawad ng mga dating opisyales ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa ilang personalidad na kinabibilangan nina dating DENR Sec. Jose ‘Lito’ Atienza, Jr., at ilan pang miyembro ng kanyang pamilya na ating ibinulgar sa pitak na ito kamakalawa.

Inatasan ni Mayor Lim ang kanyang chief of staff na si G. Ric de Guzman na agad gumawa ng kaukulang pakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng pamahalaan, partikular sa tanggapan ng Commission on Higher Education (CHED) upang alamin kung may mga dating opisyales ng PLM na dapat masampahan ng kaso sa likod ng malaking eskandalo.

Si Atienza, kasama ang anak niyang si Alejandro (aka Ali) at manugang na si dating Rep. Miles Andrew Roces ay kabilang sa mga pangalan sa listahan na nagtamo ng kuwestiyonableng diploma na umano ay nakapagtapos sa PLM na may masteral at bachelor’s degree sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) ng CHED.

Pero base sa dokumentong hawak natin mula sa CHED, ang PLM ay hindi kabilang sa listahan ng deputized higher education institutions (HEIs) upang magpatupad ng nasabing programa.

Sa hawak nating dokumento, si Atienza ay magkasunod na pinagkalooban ng diploma sa “Bachelor in Public Administration” noong March 16, 2004 at ng “Master in Urban Planning” noong March 31, 2004, na ilang araw lamang ang pagitan.

Si Arnold I. Atienza (aka Ali) naman na anak niya ay nagtapos daw kuno ng “Master in Government Management” sa PLM noong March 31, 2007, dalawang buwan bago siya pinatakbong mayor ng tatay niya pero natalo matapos ilampaso ni Mayor Alfredo Lim.

Samantala, si Miles Andrew Roces na manugang ni Atienza ay nagtapos din daw kuno ng “Master in Government Management” noong March 31, 2007.

Sa pekeng diploma, pamilya Atienza tinawag na basura maricor (new york, usa) – “how low can you go?

If you think you can get away with academic fraud, you’re wrong. Thank you Lapid Fire. Like father, like son. Scumbags duo. You people are sick! Faking a diploma is like eating your own waste/poopie. You have to be sick in your brain to do such a thing. I feel sorry for you, really! You people are lower than dirt, no shame at all. Eeewww! Kinikilabutan ako. You guys should have had a doctor to check your brains. Unbelievable! Kapal ng mga pagmumukha. I am dying to meet these fakers just to spit on their faces. What a disgrace! Bunch of filthy rejects. Nakukunsumi ako e, I used to stay up all night to pass my exams, sleepless nights, countless books and term papers, Miss Tapia for my teachers tapos sila just like that, parang mga magicians with the magic wands? I spent 4 long yeaaarssss, pinagtiisan ko ang mga maniacs sa LRT tapos kayo? Jerks! Eto kasi si Lapid Fire, kinuwento pa, nabuwisit tuloy ako, grrrr! Sulat ng mga dakilang ina kay Mrs. ‘Worst Mother Ever’ Atienza, mga inang nagpapakaalipin para matustusan ang pag-aaral ng kanilang mga anak: Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Hindi ka ba nakukunsensiya? Ano’ng ipinayo mo kay Ali? Anak, huwag ka ng mag-aral, ibibili na lang kita ng fake na diploma. Gusto mo master degree pa? Eh ang tanong: Sinabitan kaya ni Mrs. Atienza si Ali ng Sampaguita noong graduation niya? Proud na proud kaya ang nanay ni ali sa thesis ng anak niya? Naka-laminate kaya ang diploma ni Ali sa sala ng nanay niya? Balita ko naghanda pa si Mrs. Atienza noong graduation ni Ali. Maiyak-iyak sa karangalang ibinigay ni ali “master degree”. Kidding aside Mrs. Atienza, you raised a fraud, an addict, a liar. I hope you understand that and for those of you mothers na tunay na nagpatapos ng mga anak, puhunan ang pawis at dugo, I salute you all! The best and suitable word to describe these impostors, deceitful, fraudulent, uncivilized individuals: ‘Trash’! Sa Tagalog, mga Basura!”

May mukha pang humarap sa madla

LITO FELICITAS – (Seattle, Washington, USA) – “Akalain ba namang pati ang isang prestihiyosong institution ay ginamit sa katiwalian. Ibang klase talaga si Atienza, addict sa kasamaan. Nakakahiya ‘yung ginawa nila Ka Percy na patitulahan nila ang kanilang sarili at iharap ang pagmumukha nila sa madla ngayong nabuko na sila. Ang kapal!”

PLM ginawang ‘Diploma Mill’ ng kampo ni Atienza

JOB DE VERA ( jobdev_2007@yahoo.com This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it ) – “Lumalabas tuloy na diploma mill lang pala ang PLM? Madali lang palang makakuha ng diploma doon basta may kapit? Sa U.P. ako nagtapos ng B.S. degree ko at nu’ng gusto kong mag-Masters, binigyan lang ako ng 1-semester opportunity tapos wala na. Okay naman ang grades ko sa masters kaso may hinahanap pang criteria kaya hindi na ako nagpilit pa doon sa school na iyon. Sana naman iginalang ni Lito Atienza ang karapatan ng school, na gaya ng PLM, na magpatupad ng mga hakbang para iangat ang level ng pagtuturo dito at hindi yung nagamit ito sa kanilang personal na mga dahilan.”

Friday, October 29, 2010

Anomalya sa HGC

DAPAT suportahan ang panawagan ng ilang mambabatas, partikular si Rep. Bernadette Herrera ng Bagong Henerasyon partylist, na talupan at busisiin ng Kongreso ang mga alingasngas at kontrobersiya na bumabalot sa Home Guaranty Corporation.

Ang HGC ay isang kompanya ng gobyerno (GOCC) na nagbibigay garantiya sa mga pautang sa pabahay at isa sa mga sinasabing “milking cow” ng mga alipores ng nagdaang administrasyon ni GMA.

Sa pagsisimula ng ika-15 Kongreso, marami ang nagulantang nang mabisto ang mga naglalakihang sweldo at benepisyo ang mga administrador at natalagang opisyales sa mga GOCC katulad sa SBMA, MWSS, GSIS at marami pang iba.

At sa gagawing pagbusisi sa rekord ng HGC sa ilalim ng pamumuno ni Mr. Gonzalo Benjamin Bongolan, natitiyak natin na hindi “mabibigo” ang ating mga mambabatas kung kontrobersiya rin lang ang gusto nilang matuklasan.

Mantakin ninyo, baon sa utang ang HGC pero sa nalaman ng Commission on Audit (COA), mahigit P224 milyon ang “isinubi” ng grupo ni Bongolan para sa kanilang “separation package.” Talaga naman!

Itong si Bongolan at ang kanyang mga kasabwat, este, mga kapwa-opisyal, ay matagal nang may binubunong mga kaso ng katiwalian sa Ombudsman.

Marami rin umanong pinasok na mga kwes-tyonableng transaksyon ang HGC sa ilalim nitong si Bongolan na dapat lang talagang maliwanagan dahil apektado rito ang ating pambansang badyet!

Ang gobyerno kasi ang “guarantor” sa mga transaksyon ng HGC kaya kung malugi o pumalpak ang mga transaksyong ito, tayong mga Pinoy ang papasan ng bigat ng pagbabayad.

At sa pagsisiyasat ni Rep. Herrera, 2002 pa lang ay marami nang “sablay” sa mga transaksyon ng HGC!

Isa umanong halimbawa rito ay ang mga bentahan ng lupain ng HGC d’yan sa Vitas, Tondo, Maynila, kung saan may P300 milyon ang nasisilip na lugi ng gobyerno dahil “below the prevailing market prices” ang naging transaksyon!

Ang tanong natin kay Mr. Bongolan: Kung nalugi ang gobyerno, sino naman kaya ang kumita, aber?

At siyempre, ang imbestigasyon ng Kongreso sa HGC ay dapat magbigay-linaw sa lahat ng katanungang gustong masagot ng publiko.

SENADO, TAHIMIK SA SARILING KATIWALIAN

ED BERNARDINO – “Ka Percy, sa Vietnam muling inulit ni P-Noy ang naging pangako niya noong nakaraang eleksiyon na susugpuin niya ang corruption sa ating bansa. Nabanggit din niya na sa simula ay mahirap nga ito pero pag may nasampolan na, magiging mabilis na ang lahat. Ang kaso, may ilan na gustong manatili ang lumang daan. Hindi lang likong daan ang iniwan ng dating administrasyon kundi ito din ay paakyat na daan. Tingnan na lang natin ang nabunyag na mga malalaking allowances ng mga executives sa senate secretariat kung saan doble o triple ang halaga, kumpara sa buwanang suweldong tinatanggap nila. Bakit naging tahimik dito ang senado samantalang sila ang nag-iimbestiga ng mga katiwalian? Dito higit na kailangan ni P-Noy ang mamamayan dahil malalaking government institutions, kabilang na ang judiciary at legistative, ang babanggain niya. Sa mga Pilipino sana maging mapagmatyag tayo sa mga nangyayari at maging handa tayong ihayag ang supporta natin sa Pangulo na nagsusumikap maging maganda ang buhay nating lahat. Kung ayaw naman natin, maging tagamasid na lang tayo na naghihintay ng pagbasak ng bayabas kagaya ni Juan. Maganda din ang ginagawa ng COA ngayon hindi kagaya ng nakaraang kung saan ang mga reklamo ay hindi umaabot sa main office, palibhasa naging kalakaran noon ang corruption.”

Wednesday, October 27, 2010

Ang punyetang EO 887-A ni GMA

“KAYO ang aking boss” at “tatahakin natin ang tuwid na landas.”

‘Yan ang mga katagang sinabi ni Pang. Noynoy Aquino sa kanyang ‘inaugural speech’ noong Hulyo matapos manalong pangulo, ang mga kataga na hindi basta malilimutan ng maraming Pilipino.

Pagkatapos ng siyam na taon ng buktot na rehimen ni Arroyo, ngayon lang ulit “naipaalala” sa atin kung sino ba talaga - sa ilalim ng isang bansang demokratiko - ang dapat paglingkuran ng mga namumuno sa pamahalaan.

At dahil si Juan dela Cruz ang talagang boss ni P-Noy at ng kanyang administrasyon, iminumungkahi natin ang agarang pagbasura sa pagpapatupad sa isang Executive Order.

Bakit?

Kasi, kung maraming ‘midnight appointees’ na pinirmahan at tinangkang palusutin itong si REGLA (as in Rep. Gloria Arroyo) para ipuwesto sa iba’t ibang sangay ng gobyerno, meron din siyang mga batas na nilagdaan.

Midnight Decree

ANG tinutukoy natin na dapat ibasura ay walang iba kundi ang EO 887-A na kung tawagin ay ‘motor vehicle development program’.

Nilagdaan ni Regla ang “Midnight EO” sa kalaliman ng hatinggabi noong Hulyo 3, tatlong linggo bago siya bumababa sa Malakanyang matapos itakwil ng sambayanan ang kanyang mga pinakawalang kandidato laban kay P-Noy.

Kung pag-aaralan, matinding kahayupan sa industriya ng mga sasakyan ang isinasaad sa Midnight EO na pinalusot ni Regla.

Maliwanag na ‘COMPLETE MONOPOLY’ sa industriya ng mga behikulo ang bukod-tanging tinutumbok ng Midnight EO kahit patiwarik pa nating basahin.

Sa madali’t sabi, ang EO ay naglalarawan sa pagmumukha ni at masagwang pagkatao ni Regla na hindi maikukumpara kahit kay Hitler.

Gagamitin ang EO para PATAYIN ang imported second-hand car and truck industry sa bansa na siyang nagsu-supply ng malaking bilang ng mga delivery truck, vans, panels, etc., etc., na bumibiyahe ngayon sa ating mga lansangan.

Monopolyo na nga ng mga ‘car manufacturer’ ang bentahan ng kotse at ngayon naman ay gusto pang sagpangin para makopo pati ang bentahan ng delivery trucks na siyang naghahatid araw-araw sa mga palengke ng ating mga batayang pangangailangan tulad ng bigas, karne, manok, gulay, isda, etc., etc.

Ang monopolyo ay hindi lang labag sa prinsipyo ng “free trade” sa sistemang kapitalista tulad sa ating bansa at labag din ito sa konsensiya.

Sakaling ganap na maipatupad ang monopolyo sa pamamagitan ng EO 887-A, asahan ang pagsirit pataas ng mga presyo ng bilihin at ang kawalan ng hanap-buhay sa hanay ng mahigit 120,000 manggagawa sa industriya.

Apat hanggang limang beses ang presyo ng mga bagong sasakyan kumpara sa mga imported second-hand vehicles.

Kayo na ang tumuos: Sakali kayang mangyari ang gusto ng mga monopolista, saan sa palagay n’yo babawiin ng mga biyahero ang gastos nila sa bago nilang mga delivery van at truck? Saan pa ba kundi sa presyo ng kanilang mga paninda.

Suma-tutal, ang EO 887-A ay isa na namang patunay na basta may monopolyo sa negosyo, ang resulta ay mas mataas na “inflation rate” at pagkagutom sa hanay ng mga manggagawa. Patay ang biday sa huli dahil gegewang na patagilid ang ating ekonomiya!

Kung duda ang marami sa appointees ni Regla kaya pinasisibak sila ni P-Noy sa puwesto, hindi ba mas higit na dapat siyang magduda sa mga “huling hirit” na batas na pinalusot nito, gaya ng EO 887-A?

Ibasura ang punyetang EO 887-A na ‘yan!

Friday, October 22, 2010

Manalili ng BBS-PBS sinipa pero kapit-tuko

AYON sa text ng mga impormante natin, tuluyan nang sinipa sa Bureau of Broadcast Services (BBS) si John Manalili bilang director at si Monina Cespedes bilang deputy director.

Pero ang problema, kapit-tuko na nagmamatigas pa raw itong si Mananlili at ayaw kilalanin ang order ng Malakanyang para lisanin ang kanyang puwesto.

Si Manalili ay napuwesto sa pakiusap ni Gov. Lila “Baby” Pineda kay GMA.

Narito ang info-text message ng impormante natin mula sa Philippine Broadcasting Service (PBS), ang network ng BBS na pinatatakbo sa ilalim ng Communications Group (dating OPS):

“Sir, we are happy Manalili and Cespedes are out in the Philippine Broadcasting System. We owe this from you. We’re wating for the lifestyle checks on ORTIGUERO, MARUCOT, PINLAC, etc. But rumors circulating here that Manalili refuses to relinquish his post and has filed his protest/case at the Civil Service Office. Kapal talaga! Ortiguero et al, naman ay ‘di mapakali sa rumors ng lifestyle check. Again, thanks and more power!”

Siya na nga itong isinasangkot sa katiwalian na dapat masampahan ng kaso pero siya pa ngayon ang may ganang magreklamo? Ha-ha-ha!

Puwes, abangan na lang ang mga umaalingasaw na baho na ating pasisingawin tungkol sa mga damuhong opisyal at empleyado sa BBS-PBB.

Subaybayan!

Salamat kay Dr. Martin at staff ng mother and child hospital!

IPINAABOT ni G. John Flores ng San Jose Del Monte City ang pasasalamat kay Manila Mayor Alfredo Lim at sa butihing director ng Mother and Child Maternity Hospital na si Dr. Teodoro Martin para sa libreng operasyon kay Gng. Jenny San Juan kamakailan na idulog sa inyong lingkod.

Narito po ang liham pasasalamat ni G. Flores na may petsang Oct. 12:

“Dear Mr. Percy Lapid,

Pagbati sa inyong makabuluhang palatuntunan sa radio!

Ako po ‘yung nakaraang humingi ng tulong sa inyo para sa isang pasyenteng matapos ma-operahan sa panganganak ay nagkaroon ng problema na nangangailangan ng panibagong operasyon.

Ang pasyente po ay si Mrs. Jenny San Juan, nanganak noong June 24 (araw ng Maynila) sa Mother and Child Maternity sa Binondo, Maynila.

Matapos ang aking ginawang pagdaing sa inyo, agad na sumagot si Dr. Teodoro Martin, director ng nasabing ospital. At ayon sa kanya, ang pasyente ay walang anumang gagastusin at nakahanda ang ospital na pasanin ang gastos hanggang sa ito ay ma-operahan. Kung kaya’t halos P10,000 din po ang natipid ng pasyente!

Maraming salamat po Sir Percy sa agarang pagtugon ninyo sa hinaing naming mga mahihirap, kasama na dĆ½an ang butihing alkalde ng Maynila na si Mayor Alfredo S. Lim. Nawa ay malagpasan na ni Mayor Lim ang trahedya na ipinaparatang sa kanya sapagka’t kailangan pa ng Maynila ang kagaya niya.

Pagpalain po kayo ng Diyos!”

Maraming-maraming salamat po kay Dr. Martin at sa lahat ng kanyang mga katuwang sa kanilang patuloy at walang sawang pagtulong upang maglingkod sa ating mga kapus-palad na kababayan.

Mabuhay po kayong lahat sa Mother and Child Maternity Hospital!

Monday, October 18, 2010

Gen. Magtibay, praning?

MASAHOL pa pala sa nerbiyosong ‘binabae’ itong si Gen. Rodolfo Magtibay, ang dating hepe ng Manila Police District (MPD) na nasibak sa puwesto kasunod ng madugong pangho-hostage ng kanyang kapwa-Batangenyo - si dismissed police Capt. Rolando Mendoza - sa Quirino Grandstand noong Aug. 23.

Bunsod marahil ng matinding nerbiyos sa mga kaso na nakatakda niyang kaharapin kaya kung anu-ano na ang kanyang pinagsasasabi at para bang bukas ay magugunaw na ang mundo.

Pabago-bago ng statement itong si Magtibay na naturingang pa namang heneral at miyembro ng Class ’78 sa Philipine Military Academy (PMA). ay inirekomendang sampahan ng kasong ‘gross incompetence’ at ‘serious neglect of duty’.

Sa pinaka-huli niyang pahayag sa media, ang lahat ng sisi ay kay Manila Mayor Alfredo Lim na ikinakargo ni Magtibay imbes na manindigan sa kanyang mga sinabi bilang ‘officer and a gentleman’ na kung tawagin ng mga tulad niyang nagtapos sa PMA ay ‘cavalier’.

Taliwas ito sa mga nauna niyang pahayag na personal kong narinig sa isang press conference na nagmula mismo sa kanyang bibig na kanyang inaako ang mga responsibilidad sa naganap na insidente bilang dating hepe ng MPD at noon ay siyang nagsilbing ground commander.

Malayong-malayo si Gen. Magtibay kumpara kay Mayor Lim kung ‘credibility’ at pagiging ‘consistent’ ang pag-uusapan.

Mula umpisa, si Mayor Lim ay consistent sa kanyang statement at matatag na naninindigan kahit ang talagang tanging papel lamang naman niya sa mga katulad na insidente ay magbigay ng suhestiyon bilang hepe ng Crisis Management Committee (CMC), bagay na maaring sundin o hindi ni Magtibay na siyang ground commander ng PNP at may bukod-tanging control pagdating sa ‘peace and order situation’.

Si Magtibay ay kabaligtaran, pabago-bago at hindi consistent.

Bakit hindi sinabi ito ni Magtibay sa Incident Investigation and Review Committee (IIRC) na pinamunuan ni Department of Justice (DOJ) Sec. Leila de Lima na kaibigan ni Atty. Romulo Macalintal, ang abogado ni dating DENR Sec. Jose ‘Lito’ Atienza, Jr.?

Nakalimutan yata ni Magtibay, ang tao na pabago-bago ang sinasabi at hindi marunong manindigan ay sinungaling. (Kahit itanong mo pa sa desperadong makabalik na mayor sa Maynila na si Atienza).

Hindi natin akalain na ang PMA at ang Philippine National Police (PNP) ay napapalusutan ng mga ganitong klase ng opisyal.

Nakakapanghinayang ang estrelya na nakapatong sa balikat ng mga ganitong klase ng opisyal para makasuhan lamang ng ‘gross incompetence’.

Nakakahiya!

Monday, October 11, 2010

Sagot ng INC sa mga paninira ni Neal Cruz

MALAMANG na sumakit ang ulo nitong si Neal Cruz, ang ‘convicted columnist’ ng Phil Daily Inquirer, sa pagkakalat niya ng mga paninira laban sa Iglesia Ni Cristo (INC).

Sa kanyang kolum, kung anu-anong paninira ang pinagsusulat ng damuho sa kanyang pitak na kesyo impluwensiya daw ng INC ang nasa likod ng appointment ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Asst. Sec. Virgie Torres sa Land Transportation Office (LTO).

Pinaratangan din niyang ang INC ang nasa likod ng Amalgamated Motors Inc. (Ampi), ang kompanya na pag-aari ni G. Felimon Cuevas na nangongontrata sa pag-iimprenta ng lesensiya sa LTO.

Sina Torres at Cuevas ay kapwa miyembro ng INC subali’t hindi nangangahulugang may kinalaman ang INC sa kaugnayan nila sa LTO.

Sakaling hindi alam ng convivted columnist na si Neal Cruz, si Torres ay dati nang opisyal sa LTO at napuwesto bilang hepe ng ahensiya kasunod ng pagkakatalaga sa kanya ni P-Noy.

Si Torres ay tubong Tarlac at kilalang malapit sa pamilya ni P-Noy bilang dating scholar ni yumaong Senador Benigno Aquino, Jr.

Si Cuevas naman ay matagal nang nangongontrata sa LTO, panahon pa ni dating Pang. Marcos.

Ang inaalam natin ay kung ano ang kaugnayan ng isang hindoropot na “Quiambao”, isang mandurugas na kontraktor sa LTO, na sinasabing nasa likod ng mga paninira ni Neal Cruz sa INC.

Basahin po natin ang sagot ni G. Bienvenido Santiago, ang spokesman ng INC:

“THE Iglesia ni Cristo (INC) takes exception to Neal Cruz’s Sept. 24 column which was clearly uncalled for. He obviously meant to provoke the public and promote religious bigotry. There he asserted that the Land Transportation Office (LTO) “appears to be the private preserve of the Iglesia ni Cristo” because the agency “awards most contracts to members.”

His only basis for saying so is the one contract with Amalgamated Motors Inc. (Ampi), owned by Filemon Cuevas, and the appointment of the new LTO chief, Transportation Assistant Secretary Virgie Torres.

The Iglesia ni Cristo is not involved in any way with Ampi, nor with the appointment of Ms Torres as LTO chief. Why should the Church affiliation of the two he mentioned by name, both of whom are ordinary members, be construed as proof of our institution’s alleged involvement in the LTO? Cruz has associated alleged irregularities and wrongdoings that he said have taken place over several years in the LTO with a chief who has only been there a few months. Is it because she is a member of the Iglesia ni Cristo?

He might as well take a census of the religious membership of all government employees, and depending on the numbers he gets, conclude that such and such agency is the private preserve of the Catholic Church, or the Protestants, or the Muslims, and so on and so forth and blame whatever irregularities he finds in those agencies on those religions.

While the Iglesia ni Cristo has done no wrong or harm to Cruz, it is his personal right to be prejudiced against any religious organization if he so chooses. What the Iglesia ni Cristo objects to is Cruz’s unprofessional use of his column as a platform to stir up the public to harbor ill-will toward the Iglesia ni Cristo.”

Tumatalbog na tsekeng pamangkin ni Lito Lapid

ISANG pamangking-buo ni Sen. Manuel “Lito” Lapid ang hinahabol ngayon ng ilang miyembro ng media dahil sa pag-iisyu nito ng mga talbog na tseke na umaabot sa halagang P.5 milyon.

Napag-alaman na si June Marie Lapid-Marquez, anak ng katatandang kapatid ng senador na si Rey Lapid, ay bumili umano ng mga used equipment mula sa ilang miyembro ng media na nagmamay-ari ng nagsarang barberya.

Ayon sa mga biktima, ang mga kasangkapan ay ibinenta kay Marquez upang ipambayad utang sa inupahan nilang puwesto sa Marquee Mall, Angeles City.

Dahil alam nilang si Marquez ay pamangkin ng mambabatas na senador, buong tiwala silang pumayag na ang kabayaran sa mga equipment ay ibibigay ni Marqez ng hulugan kada buwan.

Kaso, parang bola ng basketball na nagtalbugan ang mga tseke na ibinayad sa kanila at mahigit isang buwan nang hindi tinutupad ni Marquez ang pangakong sila ay babayaran.

Kanilang natuklasan na ang checking account ni Marquez sa isang bangko sa Angeles ay sarado na.

Si Marquez ay nagpapakilalang empleyado pa naman daw ng PAGCOR sa Clark, Pampanga.

Hindi kaya sa damuhong tiyuhin niyang mambabatas nagmana itong si Marquez?

Resulta ng jueteng sa Pampanga

IPINAALAM sa atin ng People Power Volunteers for Reform (PPVR-Pampanga) na tuloy at hindi nasasawata ang iligal na ‘jueteng’ sa Pampanga.

Katunayan, sa kanilang E-mail sa ating noong Oct. 10, ang resulta raw ng mga lumabas na numero ng jueteng sa lungsod ng San Fernando ay ang mga sumusunod: 18/02; 06/25; 30/30; 20/31; at 18/11.

Patuloy ang kanilang panawagan kay PNP Chief Gen Raul Bacalzo at DILG Sec. Jesse Robredo laban sa talamak na jueteng.

Nananawagan ang grupo sa kanilang mga kasamahan sa PPVR sa buong bansa upang bantayan ang aksiyon ng kinauukulan sa hindi nasasawatang jueteng sa Pampanga.

Monday, October 4, 2010

Pwesto ni Gutierrez puntirya ni De Lima?; “Illegal gambling” sa ParaƱaque, lantaran!

IKINAGALIT ni Ombudsman Merceditas Gutierrez ang pagkakasama ni Department of Justice (DOJ) Sec. Leila de Lima sa mga inerekomenda ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) na masampahan ng kaso sa Quirino Grandstand hostage-taking.

Sa inis ni Gutierrez, kanyang binuweltahan si De Lima at sinabing imbes na IIRC ay sila sa Ombudsman ang dapat mag-imbestiga.

Kung ibabase nga naman sa ating Saligang Batas ay may katwiran si Gutierrez na igiit ang mandato ng Ombudsman dahil ang mga isinailalim ng IIRC sa imbestigasyon ay pawang mga opisyal at tauhan ng gobyerno.

Pero may mas malalim pang dahilan at hindi usapin sa jurisdiction ang totoong motibo na nakikita ang mga miron kung bakit si Gutierrez at ang ibang opisyal ay idinawit ni De Lima na masampahan ng kaso.

Sa mga diskusyon sa kapihan ay lumulutang ang suspetsa na hindi malayong inaasinta ni De Lima ang puwesto ni Gutierrez kung kaya’t ito ay sadyang isinama sa mga inirekomenda ng IIRC na makasuhan.

Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata!

Video karera Namamayagpag

LEONOR – “Pabalik-balik po ang Video Karera sa may Lopez, San Isidro, Paranaque, sa beerhouse po ni Bobit sa paradahan ng BFTODA. Kasi po pala ay kay Capt. Gabuna po pala ang makina na yun. S’ya po ang commander ng PCP-4 ng Paranaque. Pwede po bang mabanatan po sa programa n’yong Lapid Fire sa DWIZ tuwing 12:00 midnight to 1:30 am gabi-gabi para matauhan po?”

Gambling lords

JEN – “Binigyan na naman po ng Go Signal ng mga pulis po dito sa Paranaque ang mga loteng operators po na sila “RR”, Arman Nofuente ng Isarog St., Sto. Nino, Paranaque. at ang grupo ni Aguila Brothers po ng San Dionisio, Paranaque. Ang 4-Aces po, nag-operate na naman po sila pati jueteng ni Edgar na taga-Tambo.” Facebook/Sep.29>

Bro. Mike ng El Shaddai padrino ni Col. Valdez?

MARISSA – “Dear Mr. Percy Lapid, gusto lang po naming ipakiusap sa inyo na grabe na naman po ang mga illegal na gawain ng hepe ng Paranaque na si Col. Valdez. Ayon po sa kumpare kong pulis Paranaque ay kahit sila pong mga pulis ay galit sa aming hepe na sobrang swapang sa pera. Dapat po’y matanggal na po s’ya dito sa Paranaque pero muli na naman daw pong humihingi ng extension sa Mayor at ang lumalakad daw po para ma-extend pa po s’ya ng isang taon ay si Brother Mike Velarde ng El Shaddai. Maawa naman po kayo sa mamamayan ng Paranaque! Dapat po na maitapon ‘yan sa Maguindanao. Tingnan ko lang po kung umubra ang katarantaduhan n’ya du’n. Sir, kung papayagan n’yo pa po s’yang ma-extend dito ay lalo pong magiging malala ang Paranaque. Nagpipilit po talaga s’yang mag-stay sa Paranaque dahil dito n’ya po nagagawa lahat ng kanyang mga illegal. Bigyan n’yo po kami ng katahimikan dito at ‘yan po ay kung ‘wag na pong payagan ng bagong Regional Director at ng PNP chief na ma-extend pa po s’ya dito sa Paranaque. ‘Di ko po kasi alam kung paano namin makokontak ang PNP Chief Raul Bacalzo. Sana po’y maipaabot n’yo na rin po kay Gen. Bacalzo ang amin pong problema sa isa nyang hepe ng pulisya. Nakikiusap po kami sir, pati po ang mga coordination ng National Police ‘pag nakipag-coordinate sa kanila ay s’ya mismo ang nagli-leak. Pinatatago n’ya po agad at pinahihinto lahat ng illegal ‘pag may coordination po ang National Police sa Paranaque. ‘Yan po ay ayon lahat sa kumpare kong police at pinsan ko ring police na taga-Paranaque din po. Kaya paano n’yo po sila mahuhuli? hindi n’yo daw po sila mahuhuli dahil si Col. Valdez po ang sumisira sa coordination at s’ya pa daw po mismo ang nagtitimbre na itago mga ibedensya at magsara kung may coordination po. Sir, dapat po talagang mare-shuffle na lahat ng police-Paranaque dahil lahat na po ay magkakasabwat na. Pati ang mga kidnappers at holdaper ng mga bangko ay ‘di n’yo mahuhuli dahil kanlong nila lahat yan. Pag-isipan n’yo po sir, kung ano mangyayari sa Paranaque.”

Jueteng At Loteng

IRENE (Paranaque City) – “Mr. Lapid, pwede n’yo po bang kalampagin si Gen. Raul Bacalzo at DILG Sec. Jesse Robredo para pagtuunan naman nila ang Paranaque. Habang busy sila sa pagtalakay at pag-imbestiga sa Senado ng jueteng ay patuloy pa rin naman po ang pag-operate ng mga loteng at jueteng dito. Ayon po sa bet collector ng loteng na tinatayaan namin ay may basbas daw sila ng hepe ng Paranaque at ng congressman ng Dist.1 na si Edwin Olivarez kaya’t wala silang kaba at takot magpataya. Para po kasi kaming naiinsulto n’yan na parang minamaliit nila ang kakayahan ng AQUINO GOV’T. Supporters po kasi kami ni Noynoy. Paki naman po Mr. Lapid. Take note, si CONG. OLIVAREZ po ay kasama nila Noynoy nu’ng eleksyon ha? Siya pa ngayon ang sisira sa presidente.”

Friday, October 1, 2010

“Lihim ng Guadalupe” sa pagdiin nina De Lima at Ang See kay Mayor Lim

NGAYONG nakabalik na sa bansa si Pang. Noynoy Aquino, nakaabang na ang publiko sa kalalabasan ng rekomendasyong isinumite ni Department of Justice (DOJ) Sec. Leila de Lima at ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) patungkol sa inihasik ni dismissed P/Capt. Rolando Mendoza, ang hostage-taker na kumatay sa mga turistang dayuhan na kanyang binihag sa Quirino Grandstand noong Aug 23.

Magkakaalaman kung ang ulo ni P-Noy ay nagawang bilugin ng mga nakatagong lihim sa likod ng IIRC report na ginantsilyo ni De Lima laban kay Manila Mayor Alfredo Lim, ang bukod-tanging puntirya na idiin sa isinumiteng rekomendasyon ng IIRC upang makasuhan sa inihasik na krimen ni Capt. Mendoza laban sa sangkatauhan.

Pero ang hindi natin masiguro ay kung kasamang pagbabasehan ni P-Noy sa kanyang desisyon ang nakatagong “Lihim ng Guadalupe” sa likod ng IIRC report ni De Lima kung bakit kay Mayor Lim ibinunton ang lahat ng sisi sa naganap na madugong insidente.

Ang pagkakapuntirya kay Mayor Lim sa IIRC report ay pinagsususpetsahang bunga ng isang malaking sabwatan.

Malaki ang pagdududa na politika ang tunay na nasa likod ng pagkakarekomenda para idiin si Mayor Lim bilang pangunahing target ng sabwatan.

Si De Lima ay dating election lawyer na humahawak ng mga kasong may kinalaman sa eleksiyon bago siya ipinuwesto ni GMA noong 2008 bilang chairman ng Commission on Human Rights (CHR).

Kung hindi tayo nagkakamali ay kasamahan niya sa propesyon bilang election lawyer si Atty. Romulo Macalintal, ang abogado ni dating DENR Sec. Jose “Lito” Atienza, Jr. sa protestang inihain nito sa Comelec laban kay Mayor Lim pagkatapos ng kauna-unahang automated computerized elections na ginanap sa bansa noong nakaraang Mayo.

Si Macalintal ay kabilang sa mga tumatayong abogado ni GMA at sinasabing ‘di umano’y tumulong at nagrekomenda kay De Lima upang mapuwesto sa CHR noong nakaraang rehimen.

Ang malaking palaisipan ay kung paano napasok ng “akyat-bahay” ang gabinete ni P-Noy?

Nakapagtataka talaga kung bakit ang inaasintang pinagdidiskitahan ng mga damuhong “sampay-bakod” lang sa bagong administrasyon ay ‘yun pang malalapit kay P-Noy at matitinong lider na tulad ni Mayor Lim, imbes na unahin mga dakilang magnanakaw na nagpayaman sa dating rehimen na walang-awang tumampalasan at nagpahirap sa sambayanan?

Baligtad na ba ang mundo?

* * *

Ang paghihiganti ni Ang See

ANG rekomendasyon sa pagdiin kay Mayor Lim ay suportado ni Teresita Ang See, isa sa mga umupong miyembro ng IIRC na pinamunuan ni De Lima.

Napag-alaman na itong si Ang See ay may malaon nang kinikimkim na galit laban kay Mayor Lim.

Taong 2000, lumapit si Ang See kay Mayor Lim na noon ay kalihim ng DILG upang humingi ng pabor.

Nilalakad ni Ang See kay Mayor Lim na payagang mailabas niya mula sa Manila City Jail ang isang preso na nagngangalang Go Bon Juan at madala sa ospital upang ipagamot.

Si Go Bon Juan na balitang may malagkit na kaugnayan kay Ang See ay dating executive sa isang malaking bangko na may sangay sa Binondo at nabilanggo matapos umanong “maka-kadispalko” ng halagang P3-B.

Hindi pumayag si Lim sa pakiusap ni Ang See sapagka’t ang pagpapalabas ng sinumang preso ay nangangailangan ng court order o kautusan mula sa husgado.

Ang balita, nagawan ng paraan ni Ang See na makakuha siya ng court order at nailabas ang preso. Pero alam n’yo ba kung ano ang sumunod na pangyayari?

Si Go Bon Juan ay tumakas mula sa ospital na pinagdalhan sa kanya ni Ang See at naglahong parang bula.

Kung nagkataon, muntik pa palang masabit at madamay si Mayor Lim noon sa maitim na plano ni Ang See, bagay na hindi marahil alam ng kanyang mister. He, he, he!

Ang hindi natin alam ay kung nakasuhan si Ang See sa kahindutang nangyari na siyang lumakad para magawang tumakas ng akusado.

Ano ba talaga ang papel sa buhay nitong si Ang See, ang tumulong (kuno) sa mga biktima ng krimen o magpatakas ng preso?

Samakatuwid ginamit ni Ang See ang IIRC sa kanyang itinatagong galit upang makapaghiganti dahil sa pagtanggi ni Mayor Lim na pagbigyan ang kanyang pakiusap na labag sa batas.

Ang masaklap, si P-Noy ay ginagawang hostage nina De Lima at Ang See sa isang malaking pakana at sabwatan laban kay Mayor Lim na nakatago sa likod ng IIRC report.

‘Yan ay isang paraan ng manipulasyon at pananabotahe kay P-Noy upang siya ay mahawakan sa leeg ng mga gustong ipagpatuloy ang kanilang pagsasamantala.

Ang tawag diyan ay “squid tactic” o “taktikang pusit.

Friday, September 24, 2010

Dilemma ni De Lima

UNTI-UNTI nang nahahalata sa mga pinakakawalang pahayag ni Department of Justice (DOJ) Sec. Leila De Lima sa media na bukod-tanging si Manila Mayor Alfredo Lim ang talagang puntirya niyang madiin sa madugong pangho-hostage ni dismissed P/Capt. Rolando Mendoza sa mga dayuhang turista noong Aug. 23 sa Quirino Grandstand.

Lumalabas ang katotohanan na ang Incident Investigation and Review Committee (IIRC) na pinamunuan ni De Lima ay iniligwak ang imbestigasyon upang ilihis at pagtakpan ang tunay na ugat ng pag-aalboroto ni Capt Mendoza - ang namamayagpag na corruption sa justice system dito sa bansa.

‘Yan ang dahilan kung bakit sinadyang hindi isama sa mga inirekomendang makasuhan ang ungas na si SPO2 Gregorio Mendoza na siyang nagsilbing mitsa at nagtulak kay Capt. Mendoza upang magwala at pagpapatayin ang kanyang mga bihag.

Kumakalat na ang balita na may malaking impluwensiya si dating DENR Sec. Jose “Lito” Atienza, Jr. sa rekomendasyon ng IIRC upang kay Mayor Lim ibunton ang sisi.

Kung may ibang napasama sa mga inerekomendang kasuhan, sila ay dekorasyon lamang upang hindi mahalatang si Mayor Lim lang ang talagang pakay nilang isabit.

Pero unti-unting babalandra sa nagmamantikang pagmumukha ni De Lima ang malaking sabwatan na ‘yan na naglalayong isabotahe si P-Noy at ang kanyang administrasyon.

Abangan ang mga pasabog sa mga susunod nating kolum!

* * *

Inconsistent investigation and rehearsal for conspiracy (IRRC)

NARITO ang ilan lamang sa sangkaterbang reaksiyon ng ating listeners sa worldwide broadcast ng programang Lapid Fire sa Radio DWIZ (882 Khz), mula 12:00 midnight - 1:30 am, Lunes hanggang Biyernes, na sabayang napapanood at napapakinggan sa buong mundo sa pamamagitan ng live video streaming sa internet via ustream.tv/channel/lapidfire-dwiz:

NANCY CO (Florida, USA) – “Lahat kami are praying for him and I want to confirm that Mayor Lim has agood breeding being raise in the orphanage where I grew up too. We are God fearing. No matter what, Mayor Lim has already build up a legacy kaya sila naiinggit. ‘Di pababayaan ng tadhana si Mayor Lim kasi good karma siya.”

* * *

BUDDY (Nueva Ecija) – “Bilib ako sa mga matitinong taga-Maynila na patuloy na sumusuporta kay Mayor Lim. Kasi, nakikita nila ang kabutihan ng pagkatao ni Mayor Lim. Paki tanong p okay Dilemma nakisawsaw siya sa issue ng hostage-taking gayong dapat niyang unahin ang pagkakasao sa mga corrupt na tropa ni REGLA.”

* * *

JERIC RAVAL (Actor) – “Paano naman kaya kundi inaresto si SPO2 Gregorio at biglang sumama sa kapatid niya? Siguro ganu’n din kalalabasan, sisisihin din si Mayor Lim.”

* * *

BANJO UGAY (Bacoor, Cavite) – “Ang meaning ng IIRC ay Inconsistent Investigation and Rehearsal for Conspiracy. Marami pang sabwatan silang gagawin.”

* * *

NILO (Bohol) – “Conspiracy talaga ang buong pangyayari kahit saang anggulo tingnan, kasama na ang IIRC investigation. Kaya pati ang Hong Kong gov’t ay tinawag ang IIRC report na isang katarantaduhan.”

* * *

AGAPITO (Salinas, Cavite) – Siya po ba ‘yun (De Lima), head ng CHR dati? ‘Yung taga-pagtanggol ng mga rapist, imbes na mga biktima ang tulungan?”

* * *

VIVA (Pandacan) – “Nakakagalit ang nangyayari ngayon, binabaligtad na nila ang katotohanan. Kawawa naman ang mga nagtaya ng buhay, sila pa ngayon ang makakasuhan. Bale-wala ang ginawa ng mga pulis, nagtaya pa sila ng buhay. Tama po lahat ng sinasabi n’yo kaya sa pakikinig ko sa inyo ay hindi ako maloloko ng mga magnanakaw na ‘yan.”

* * *

LOLIT MONTES – “Kay Mrs. De Lima: Imulat mong mabuti ang iyong mga mata, ‘wag mong idiin at kasuhan si Mayor Lim. Ang kasuhan mo at ipakulong ay si Gorio Mendoza dahil kung ‘di siya pumunta sa hostage crime scene, nanggulo at sinulsulan si Rolando Mendoza – na dapat sana ay diniplomasya niya – nang ;di naburyong at pumatay. Kaya dapat lang siyang ipahuli at ipakulong pa ‘yan.”

* * *

BEN (Manila) – “ Ka Percy, 65 years old na ako pero hindi na mapapawi pa ang pagtitiwala ko kay Mayor Lim kung kailangang lumabas para ipakilala ang mga kabutihan niya.”

* * *

WADE (Mandaluyong) – “Kung sino pa po yung mga tumulong at rumesponde ang kinakasuhan. ‘Di po ‘ata tama ‘yun. Baka sa susunod wala nang rumesponde kasi baka sila pa makasuhan. Hahaha!”

* * *

DONALD (Tondo) – “Hoy! Sec. Dilemma, wala ka nang karapatan para mamuno pa diyan sa DOJ. Sinisira mo ang reputasyon ng mabubuting lider dito sa bayan. Isa kang hindoropot, you know!”

* * *

JOHN P. (Caloocan) – “’Wag na tayo magulat kung ang Quirino Grandstand ay palitan ni Leila Dilemma ng Capt. Mendoza Grandstand.”

* * *

ALFREDO TAN – “Mukhang gawa talaga ng mga desperadong tao - tulad nila Erap, Atienza at Gloria – ang mga nangyayaring gulo. Lalo na ngayon, lumalabas na ang demanda ng pamilya Dacer laban kay Erap. Kaya nagpupumilit na manalo si Erap para makaiwas sa demanda sa kanya ng Dacer family.”

Wednesday, September 22, 2010

May sabwatan ba sa likod ng IIRC report?

MAGANDANG balita para sa mga walang karapatang magdala ng baril ang pinalabas na report ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) na pinamunuan ni Department of Justice (DOJ) Sec. Leila de Lima na inatasang mag-imbestiga sa naganap na hostage-taking sa Quirino Grandstand noong nakaraang buwan.

Sa isinumiteng report ng IIRC kay P-Noy, kakatwa na hindi kasama sa mga inirekomenda na sampahan ng kaso si SPO2 Gregorio Mendoza, ang kapatid ni dismissed P/Capt. Rolando Mendoza na pumaslang sa mga binihag niyang turista mula sa Hong Kong.

Maliwanag pa sa sikat ng araw na si SPO2 Gregorio ay inabsuwelto at pinawalang sala sa inilabas na report ng komite ni De Lima kahit ito ang nagsilbing mitsa ng pagwawala ng kanyang kapatid upang pagpapatayin nito ang kanyang mga bihag kahit paulit-ulit mang balikan ang pangyayari.

Ang kahina-hinala at biglang paglutang ng damuhong si SPO2 Gregorio sa eksena habang isinasagawa ng kanyang hostage-taker na kapatid ang terorismo ay binale-wala ng IIRC.

Sadya yatang hindi gumamit ng sentido-kumon ang IIRC sa imbestigasyon para hindi isama ang damuhong si SPO2 Gregorio na noong maganap ang madugong insidente ay suspendido na kung kaya’t wala siyang karapatang magbitbit ng baril.

Ang pagdadala ng baril ay mahigpit na ipinagbabawal sa sinumang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na hindi unipormado, lalo na kung wala sila sa duty o oras ng pagtupad sa tungkulin.

Lumalabas na parang sinabi na rin ng IIRC sa kanilang report na ngayon ay malaya nang makapagdadala ng baril ang mga hindi unipormadong pulis.

Sa pagkakaalam natin, mahigpit na ipinagbabawal sa sinumang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na hindi unipormado ang magdala ng baril kapag sila ay wala sa duty o wala sa oras ng pagtupad sa tungkulin.

Hindi pa ‘yan, mga panyero! Kapansin-pansin na maging sa panig ng kapulisan ay wala yatang nagsasabing may mas mabigat na kasong dapat harapin itong si SPO2 Gregorio na bukod sa “disobedience” na naunang isinampa laban sa kanya.

Matatandaang si SPO2 Gregorio ay tinawag na “conspirator” ni Col. Orlando Yebra na nagsilbing negotiator sa hostage-taking.

Hindi ba nagbanta pa si Yebra na kanyang sasampahan ng kaso si SPO2 Gregorio dahil sa pakikipagsabwatan sa kapatid na hostage-taker?

Anong nangyari bakit disobedience lang ang ikinaso kay SPO2 Gregorio?

Bakit hindi rin kasamang nakasuhan si Alberto Lubang, ang tourist bus driver, na, ayon sa mga pulis, ay nagsilbing hudyat upang upakan ang hostage-taker? Hmmm!

Mukhang may umaalingasaw na malaking sabwatan tayong naaamoy sa pangyayari at sa report ng IIRC.

Mmmm!

* * *

KA LEROY (QC) – “Kung pumalpak ‘yung operation para iligtas ang mga hostage, mas palpak ang report ng IIRC. Kasi, halos lahat ay kinasuhan. Ang hinahanap ng mga taga-HK ay kung sino ang custodian ni Capt. Mendoza na kung bakit dalawang taon na siyang dismis ay may hawak pa siyang Armalite na dapat ay kinumpiska na ng custodian. At bakit may sukbit pang baril si SPO2 Gregorio Mendoza gayong suspendido siya?”

* * *

ROLY (Tondo, Manila) – “May sabwatan ‘yan. Ano’ng palagay nila sa mga tao, mga bobo? Si De Lima ang bobo dahil ’di kinasuhan ‘yung kapatid ng hostage-taker.”

* * *

ROSS (LPC) – “Para sa akin, ang mga dapat kasuhan sina: SPO2 Gregorio Mendoza at Gen. Rodolfo ‘Walang-Tibay’ Magtibay.”

* * *

GG (Sampaloc, Manila) – “Bakit po ang kapatid ni Mendoza ay wala sa mga nakasuhan? ‘Yun ang puno’t dulo ng gulo sa Luneta. Bobo po ang DOJ.”

* * *

INSP. GUERRERO – “At that time, si Gregorio Mendoza ay suspendido at walang karapatang magdala ng baril.”