Wednesday, December 8, 2010

Deportation vs BDZ exec

DAPAT ideklarang ‘persona non grata’ at ipatapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) papalabas ng bansa ang dayuhang negosyante raw na si Dimitry Detilleux na nagpapakilalang North Asia manager ng Baggerwerken Decloedt En Zoon (BDZ), ang contractor sa “highly anomalous dredging” ng Laguna de Bay na ipinatigil ng gobyerno.

Masyadong masama ang tabas ng dila ng punyetang dayuhan kung pagbantaan ang kasalukuyang pamahalaan na kakasuhan daw niya kapag itinuloy ang naunang direktiba ni Pang. Noynoy Aquino na kanselahin ang kontrata sa dredging ng Laguna de Bay.

Walanghiya ang hindot na ito at nagbabanta pang ikakampanya pa raw niya sa mga negosyante sa Europa at sa buong mundo na huwag mamuhunan dito sa atin sakaling mapurdoy ang nasabing kontrata.

Walang ibang dahilan tayong nakikita para magwala ang tarantadong ito kundi ang malaking halaga marahil na naipanghatag na niya sa mga magnanakaw na opisyal sa dating administrasyon na kasabwat niya para makuha ang nasabing kontrata kaya ganu’n na lang ang galit niya.

Kontrata ng BDZ sa Pasig River at LLRP maanomalya, labag sa batas

MALIWANAG na nilabag ng dating administrasyon ni GMA ang batas sa pagkaka-award ng kontrata sa BDZ na hindi dumaan sa proseso ng “bidding”.

Ibinulgar ng isa pang Belgian contractor na ang P5-B kontrata sa dredging ng Pasig River at P18.7-B naman sa Laguna de Bay ay hindi totoong “Government to Government” contract dahil ang pondo ay loan o utang ng dating administrasyon sa bansang Belgium na ang makukuba sa pagbabayad ay walang iba kundi ang mamamayan.

‘Yan ang dahilan kung bakit kinailangan pa ng mga magnanakaw sa dating administrasyon na pagawin ng “LEGAL OPINION si dating Department of Justice (DOJ) Sec. Alberto Agra upang takpan ang malaking anomalya at mailusot sa kaso ang mga promotor na nagkamal sa kontrata ng BDZ.

Upang mapalitaw na ligal ang transaksiyon na hindi dumaan sa proseso ng bidding, umimbento si Agra ng termino at tinawag niyang “EXECUTIVE AGREEMENT” ang maanomalyang kontrata.

Kaya nang maluklok si P-Noy, agad niyang inatasan si DOJ Sec. Leila de Lima para repasuhin ang legal opinion ni Agra.

Dahil pawang kasapakat, este, kasamahan ni De Lima sa dating administrasyon ang kumita at sabit sa katarantaduhang ‘yan, inayunan niya ang “KENKOY” na opinion ni Agra.

Pangunahing sabit sa nabulgar na anomalya si dating DENR Sec. Lito “Peke ang Diploma sa PLM” Atienza, Jr.

Ang kambal na dredging ng Pasig River at Laguna de Bay ay kapwa proyekto sa ilalim ng DENR at ang maanomalyang kontrata ay naaprubahan sa panahon ni Atienza.

Tuloy ang suporta vs. kuliglig, pedicabs

MISS ‘X’ (Mandaluyong City) – “Tama si Mayor Lim sa paggamit ng kamay na bakal laban sa mga ayaw sumunod sa kaayusan ng Maynila. More power!”

* * *

MANNIX (Quezon City) – “Anarchy is unacceptable, emboldened under the guise of decent earning a living. They thrive to tell us we’re too kayang-kaya. We support Mayor Lim!”

* * *

TOLITS (Tondo) – “Tama si Mayor Lim na pairalin at tapusin na ‘yang mga nagkalat na sidecar or kuliglig, sobra na dami nila, istorbo na sa mga kalye ng Maynila.”

* * *

JOY RAMOS – “Paki sabi mo kay Mayor Lim na ‘yung mga pedicab sa Intramuros grabe maningil. ‘Yung isa sabi P40, then nu’ng tinatawag namin ‘yung isa P20 na lang. Tapos mamaya ho may lumapit P10 na lang ang sinisingil. Kaya ho ‘yung mga estudyante hindi makasakay dahil tinataga nila ng P40 or P20 isang tao, mga bata pa ho kasi kaya’t kayang-kaya nilang lokohin samantalang pwede naman po palang P10 pesos lang ang rate. Bakit ‘di implement ‘yung price na ‘yun? Salamat po!”

* * *

LINDA CRUZ (Obando, Bulacan) – “Oo nga, meron diyang nagsusulsol. Sana Mr. Lapid Fire, isunod naman ni Mayor Lim ‘yung mga timbangan sa Divisoria. Karamihan may daya, 1-Kilo pero ¾ lang.”

* * *

CONCERNED CITIZEN (Cavite) – “Tama ang sinasabi n’yo tungkol sa mga pasaway na kuliglig at pedicab. Sana ma-phase out na sila. Marami pa sa kanila addict at ex-convict, delikado mga pasahero nila.”

No comments:

Post a Comment