Monday, December 6, 2010

Piliin si Lacuna kontra Atienza

BALITANG magpapaulan bukas ng limpak-limpak na pondo ang kampo ni dating DENR Sikwat-tary, este, Secretary Jose “Lito” Atienza, Jr. para matiyak ang panalo ng kanyang anak na tatakbong pangulo sa Liga ng mga Barangay sa Lungsod ng Maynila.

Si Ali ay pinatakbong chairman ng kanyang ama sa San Andres, Maynila at ipinagpilitang ipanalo sa katatapos na halalan ng mga barangay noong Oktubre na ginastusan ng hindi birong halaga.

Sasagupain ng uhuging si Ali - gamit ang sangkatutak na salaping naimpok ng tatay niya sa panahon ni GMA - si Konsehal Philip Lacuna, anak ni dating Vice Mayor Danilo Lacuna na kasalukuyang pangulo ng Liga sa Maynila.

Malayung-malayo ang uhuging si Ali sa nakababatang Lacuna kung hindi sa ipamimigay na salapi ng kampo ni Atienza ibabase ng mga boboto ang kanilang pagpili sa magiging kinatawan ng barangay sa Konseho.

Ang pagtakbo ni Ali bilang chairman at ngayon naman ay tatakbong Liga president ay maitutulad sa isang ahas na gumagapang papasok ng City Hall upang doon maghasik ng lagim.

Si Ali ay isang “mediocre”, nagpapanggap lang na may alam pero sa katotohanan ay wala naman.

Tulad ng kanyang ama, si Ali ay kabilang sa mga humahawak ng “Mickey Mouse” o pekeng diploma sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Ang diplomang ipinangangalandakan ni Ali na siya ay may diploma at nagtapos ng “Master in Government Management” sa PLM noong March 31, 2007 ay hindi kinikilala ng gobyerno dahil ito ay peke.

Gayon din ang tatay niya, ipinagyayabang na sabay daw niyang natamo ang kanyang “Bachelor in Public Administration” (March 16, 2004) at “Master in Urban Planning” (March 31, 2004), ilang araw lamang ang pagitan.

Pero pinatunayan ng Commission on Higher Education (CHED) na ang kanilang diploma ay peke. Hindi ba malaking panlolokong matatawag ‘yan? He, he, he!

Ang ipinapakita nilang diploma ay isinasama nila sa kanilang credential para makakuha ng puwesto sa gobyerno.

Paano magagampanan ng isang pekeng tulad ni Ali ang malaking responsibilidad bilang konsehal kung ultimo sarili nga niya ay hindi niya kayang ayusin?

Tiyak na si Ali ay gagamitin lang ng kanyang ama sa mga pinaplano nilang katarantaduhan para ipambala laban kay Mayor Alfredo Lim sakaling maka-tsamba na maluklok sa Konseho ng Maynila.

Noong 2007, si Ali ay ginamit ng tatay niya at pinatakbong mayor pero natalo matapos ilampaso ni Mayor Lim sa eleksiyon.

Balita pa na ito raw si Manny Paquiao ay tumutulong kumampanya para sa damuhong mapagpanggap na si Ali.

Pabor kay Mayor Lim vs. kuliglig, pedicabs

ANONYMOUS - “Tama ang ginawa ni Mayor Lim na ma-break na ang pagiging kunsintidor ng iba sa pagpapatupad ng batas na kapag hindi na kayang supilin ay pababayaan na lang. Ang suporta ko ay kay Mayor Lim!”

* * *

REY SALAS (LPC) – “’Yang mga sidecar na ‘yan ay mga abusado ‘yan at matatapang pa mga ‘yan, akala mo may ipinagmamalaki. Tama ang ginagawa ni Mayor Lim, saludo ako. ‘Yang mga ‘yan ay hindi naghahanap-buhay kundi namemerhuwisyo sa kalsada.”

* * *

PAT (San Mateo, Rizal) – “Tama lang ‘yung sinasabi n’yo kasi sagabal sa daan ang mga pedicab at kuliglig na ‘yan. At kung maningil ay sobra-sobra pa! Dapat linisin ni Mayor Lim!”

* * *

DONALD (Tondo) – “Karamihan diyan sa mga driver ng pedicab at kuliglig mga pasaway talaga ‘yang mga kupal na ‘yan at walang pakinabang ang gobyerno. Karamihan din diyan ay hindi taga-Maynila at hindi rin mga botante sa Maynila.”

* * *

DAISY (Quezon City) – “Matuwa kami nu’ng nabanggit n’yo na noon pati kambing isinasakay sa bus. Tama po ang comment n’yo regarding pedicab and kuliglig na pinabayaan ni Atienza na dumami sila. More power!”

No comments:

Post a Comment