MALAMANG na sumakit ang ulo nitong si Neal Cruz, ang ‘convicted columnist’ ng Phil Daily Inquirer, sa pagkakalat niya ng mga paninira laban sa Iglesia Ni Cristo (INC).
Sa kanyang kolum, kung anu-anong paninira ang pinagsusulat ng damuho sa kanyang pitak na kesyo impluwensiya daw ng INC ang nasa likod ng appointment ni Department of Transportation and Communications (DOTC) Asst. Sec. Virgie Torres sa Land Transportation Office (LTO).
Pinaratangan din niyang ang INC ang nasa likod ng Amalgamated Motors Inc. (Ampi), ang kompanya na pag-aari ni G. Felimon Cuevas na nangongontrata sa pag-iimprenta ng lesensiya sa LTO.
Sina Torres at Cuevas ay kapwa miyembro ng INC subali’t hindi nangangahulugang may kinalaman ang INC sa kaugnayan nila sa LTO.
Sakaling hindi alam ng convivted columnist na si Neal Cruz, si Torres ay dati nang opisyal sa LTO at napuwesto bilang hepe ng ahensiya kasunod ng pagkakatalaga sa kanya ni P-Noy.
Si Torres ay tubong Tarlac at kilalang malapit sa pamilya ni P-Noy bilang dating scholar ni yumaong Senador Benigno Aquino, Jr.
Si Cuevas naman ay matagal nang nangongontrata sa LTO, panahon pa ni dating Pang. Marcos.
Ang inaalam natin ay kung ano ang kaugnayan ng isang hindoropot na “Quiambao”, isang mandurugas na kontraktor sa LTO, na sinasabing nasa likod ng mga paninira ni Neal Cruz sa INC.
Basahin po natin ang sagot ni G. Bienvenido Santiago, ang spokesman ng INC:
“THE Iglesia ni Cristo (INC) takes exception to Neal Cruz’s Sept. 24 column which was clearly uncalled for. He obviously meant to provoke the public and promote religious bigotry. There he asserted that the Land Transportation Office (LTO) “appears to be the private preserve of the Iglesia ni Cristo” because the agency “awards most contracts to members.”
His only basis for saying so is the one contract with Amalgamated Motors Inc. (Ampi), owned by Filemon Cuevas, and the appointment of the new LTO chief, Transportation Assistant Secretary Virgie Torres.
The Iglesia ni Cristo is not involved in any way with Ampi, nor with the appointment of Ms Torres as LTO chief. Why should the Church affiliation of the two he mentioned by name, both of whom are ordinary members, be construed as proof of our institution’s alleged involvement in the LTO? Cruz has associated alleged irregularities and wrongdoings that he said have taken place over several years in the LTO with a chief who has only been there a few months. Is it because she is a member of the Iglesia ni Cristo?
He might as well take a census of the religious membership of all government employees, and depending on the numbers he gets, conclude that such and such agency is the private preserve of the Catholic Church, or the Protestants, or the Muslims, and so on and so forth and blame whatever irregularities he finds in those agencies on those religions.
While the Iglesia ni Cristo has done no wrong or harm to Cruz, it is his personal right to be prejudiced against any religious organization if he so chooses. What the Iglesia ni Cristo objects to is Cruz’s unprofessional use of his column as a platform to stir up the public to harbor ill-will toward the Iglesia ni Cristo.”
Tumatalbog na tsekeng pamangkin ni Lito Lapid
ISANG pamangking-buo ni Sen. Manuel “Lito” Lapid ang hinahabol ngayon ng ilang miyembro ng media dahil sa pag-iisyu nito ng mga talbog na tseke na umaabot sa halagang P.5 milyon.
Napag-alaman na si June Marie Lapid-Marquez, anak ng katatandang kapatid ng senador na si Rey Lapid, ay bumili umano ng mga used equipment mula sa ilang miyembro ng media na nagmamay-ari ng nagsarang barberya.
Ayon sa mga biktima, ang mga kasangkapan ay ibinenta kay Marquez upang ipambayad utang sa inupahan nilang puwesto sa Marquee Mall, Angeles City.
Dahil alam nilang si Marquez ay pamangkin ng mambabatas na senador, buong tiwala silang pumayag na ang kabayaran sa mga equipment ay ibibigay ni Marqez ng hulugan kada buwan.
Kaso, parang bola ng basketball na nagtalbugan ang mga tseke na ibinayad sa kanila at mahigit isang buwan nang hindi tinutupad ni Marquez ang pangakong sila ay babayaran.
Kanilang natuklasan na ang checking account ni Marquez sa isang bangko sa Angeles ay sarado na.
Si Marquez ay nagpapakilalang empleyado pa naman daw ng PAGCOR sa Clark, Pampanga.
Hindi kaya sa damuhong tiyuhin niyang mambabatas nagmana itong si Marquez?
Resulta ng jueteng sa Pampanga
IPINAALAM sa atin ng People Power Volunteers for Reform (PPVR-Pampanga) na tuloy at hindi nasasawata ang iligal na ‘jueteng’ sa Pampanga.
Katunayan, sa kanilang E-mail sa ating noong Oct. 10, ang resulta raw ng mga lumabas na numero ng jueteng sa lungsod ng San Fernando ay ang mga sumusunod: 18/02; 06/25; 30/30; 20/31; at 18/11.
Patuloy ang kanilang panawagan kay PNP Chief Gen Raul Bacalzo at DILG Sec. Jesse Robredo laban sa talamak na jueteng.
Nananawagan ang grupo sa kanilang mga kasamahan sa PPVR sa buong bansa upang bantayan ang aksiyon ng kinauukulan sa hindi nasasawatang jueteng sa Pampanga.
No comments:
Post a Comment