IPINAG-UTOS na ni Manila Mayor Alfredo Lim na imbestigahan ang tungkol sa mga pekeng diploma na iginawad ng mga dating opisyales ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa ilang personalidad na kinabibilangan nina dating DENR Sec. Jose ‘Lito’ Atienza, Jr., at ilan pang miyembro ng kanyang pamilya na ating ibinulgar sa pitak na ito kamakalawa.
Inatasan ni Mayor Lim ang kanyang chief of staff na si G. Ric de Guzman na agad gumawa ng kaukulang pakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng pamahalaan, partikular sa tanggapan ng Commission on Higher Education (CHED) upang alamin kung may mga dating opisyales ng PLM na dapat masampahan ng kaso sa likod ng malaking eskandalo.
Si Atienza, kasama ang anak niyang si Alejandro (aka Ali) at manugang na si dating Rep. Miles Andrew Roces ay kabilang sa mga pangalan sa listahan na nagtamo ng kuwestiyonableng diploma na umano ay nakapagtapos sa PLM na may masteral at bachelor’s degree sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) ng CHED.
Pero base sa dokumentong hawak natin mula sa CHED, ang PLM ay hindi kabilang sa listahan ng deputized higher education institutions (HEIs) upang magpatupad ng nasabing programa.
Sa hawak nating dokumento, si Atienza ay magkasunod na pinagkalooban ng diploma sa “Bachelor in Public Administration” noong March 16, 2004 at ng “Master in Urban Planning” noong March 31, 2004, na ilang araw lamang ang pagitan.
Si Arnold I. Atienza (aka Ali) naman na anak niya ay nagtapos daw kuno ng “Master in Government Management” sa PLM noong March 31, 2007, dalawang buwan bago siya pinatakbong mayor ng tatay niya pero natalo matapos ilampaso ni Mayor Alfredo Lim.
Samantala, si Miles Andrew Roces na manugang ni Atienza ay nagtapos din daw kuno ng “Master in Government Management” noong March 31, 2007.
Sa pekeng diploma, pamilya Atienza tinawag na basura maricor (new york, usa) – “how low can you go?
If you think you can get away with academic fraud, you’re wrong. Thank you Lapid Fire. Like father, like son. Scumbags duo. You people are sick! Faking a diploma is like eating your own waste/poopie. You have to be sick in your brain to do such a thing. I feel sorry for you, really! You people are lower than dirt, no shame at all. Eeewww! Kinikilabutan ako. You guys should have had a doctor to check your brains. Unbelievable! Kapal ng mga pagmumukha. I am dying to meet these fakers just to spit on their faces. What a disgrace! Bunch of filthy rejects. Nakukunsumi ako e, I used to stay up all night to pass my exams, sleepless nights, countless books and term papers, Miss Tapia for my teachers tapos sila just like that, parang mga magicians with the magic wands? I spent 4 long yeaaarssss, pinagtiisan ko ang mga maniacs sa LRT tapos kayo? Jerks! Eto kasi si Lapid Fire, kinuwento pa, nabuwisit tuloy ako, grrrr! Sulat ng mga dakilang ina kay Mrs. ‘Worst Mother Ever’ Atienza, mga inang nagpapakaalipin para matustusan ang pag-aaral ng kanilang mga anak: Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Hindi ka ba nakukunsensiya? Ano’ng ipinayo mo kay Ali? Anak, huwag ka ng mag-aral, ibibili na lang kita ng fake na diploma. Gusto mo master degree pa? Eh ang tanong: Sinabitan kaya ni Mrs. Atienza si Ali ng Sampaguita noong graduation niya? Proud na proud kaya ang nanay ni ali sa thesis ng anak niya? Naka-laminate kaya ang diploma ni Ali sa sala ng nanay niya? Balita ko naghanda pa si Mrs. Atienza noong graduation ni Ali. Maiyak-iyak sa karangalang ibinigay ni ali “master degree”. Kidding aside Mrs. Atienza, you raised a fraud, an addict, a liar. I hope you understand that and for those of you mothers na tunay na nagpatapos ng mga anak, puhunan ang pawis at dugo, I salute you all! The best and suitable word to describe these impostors, deceitful, fraudulent, uncivilized individuals: ‘Trash’! Sa Tagalog, mga Basura!”
May mukha pang humarap sa madla
LITO FELICITAS – (Seattle, Washington, USA) – “Akalain ba namang pati ang isang prestihiyosong institution ay ginamit sa katiwalian. Ibang klase talaga si Atienza, addict sa kasamaan. Nakakahiya ‘yung ginawa nila Ka Percy na patitulahan nila ang kanilang sarili at iharap ang pagmumukha nila sa madla ngayong nabuko na sila. Ang kapal!”
PLM ginawang ‘Diploma Mill’ ng kampo ni Atienza
JOB DE VERA ( jobdev_2007@yahoo.com This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it ) – “Lumalabas tuloy na diploma mill lang pala ang PLM? Madali lang palang makakuha ng diploma doon basta may kapit? Sa U.P. ako nagtapos ng B.S. degree ko at nu’ng gusto kong mag-Masters, binigyan lang ako ng 1-semester opportunity tapos wala na. Okay naman ang grades ko sa masters kaso may hinahanap pang criteria kaya hindi na ako nagpilit pa doon sa school na iyon. Sana naman iginalang ni Lito Atienza ang karapatan ng school, na gaya ng PLM, na magpatupad ng mga hakbang para iangat ang level ng pagtuturo dito at hindi yung nagamit ito sa kanilang personal na mga dahilan.”
No comments:
Post a Comment