Friday, October 22, 2010

Manalili ng BBS-PBS sinipa pero kapit-tuko

AYON sa text ng mga impormante natin, tuluyan nang sinipa sa Bureau of Broadcast Services (BBS) si John Manalili bilang director at si Monina Cespedes bilang deputy director.

Pero ang problema, kapit-tuko na nagmamatigas pa raw itong si Mananlili at ayaw kilalanin ang order ng Malakanyang para lisanin ang kanyang puwesto.

Si Manalili ay napuwesto sa pakiusap ni Gov. Lila “Baby” Pineda kay GMA.

Narito ang info-text message ng impormante natin mula sa Philippine Broadcasting Service (PBS), ang network ng BBS na pinatatakbo sa ilalim ng Communications Group (dating OPS):

“Sir, we are happy Manalili and Cespedes are out in the Philippine Broadcasting System. We owe this from you. We’re wating for the lifestyle checks on ORTIGUERO, MARUCOT, PINLAC, etc. But rumors circulating here that Manalili refuses to relinquish his post and has filed his protest/case at the Civil Service Office. Kapal talaga! Ortiguero et al, naman ay ‘di mapakali sa rumors ng lifestyle check. Again, thanks and more power!”

Siya na nga itong isinasangkot sa katiwalian na dapat masampahan ng kaso pero siya pa ngayon ang may ganang magreklamo? Ha-ha-ha!

Puwes, abangan na lang ang mga umaalingasaw na baho na ating pasisingawin tungkol sa mga damuhong opisyal at empleyado sa BBS-PBB.

Subaybayan!

Salamat kay Dr. Martin at staff ng mother and child hospital!

IPINAABOT ni G. John Flores ng San Jose Del Monte City ang pasasalamat kay Manila Mayor Alfredo Lim at sa butihing director ng Mother and Child Maternity Hospital na si Dr. Teodoro Martin para sa libreng operasyon kay Gng. Jenny San Juan kamakailan na idulog sa inyong lingkod.

Narito po ang liham pasasalamat ni G. Flores na may petsang Oct. 12:

“Dear Mr. Percy Lapid,

Pagbati sa inyong makabuluhang palatuntunan sa radio!

Ako po ‘yung nakaraang humingi ng tulong sa inyo para sa isang pasyenteng matapos ma-operahan sa panganganak ay nagkaroon ng problema na nangangailangan ng panibagong operasyon.

Ang pasyente po ay si Mrs. Jenny San Juan, nanganak noong June 24 (araw ng Maynila) sa Mother and Child Maternity sa Binondo, Maynila.

Matapos ang aking ginawang pagdaing sa inyo, agad na sumagot si Dr. Teodoro Martin, director ng nasabing ospital. At ayon sa kanya, ang pasyente ay walang anumang gagastusin at nakahanda ang ospital na pasanin ang gastos hanggang sa ito ay ma-operahan. Kung kaya’t halos P10,000 din po ang natipid ng pasyente!

Maraming salamat po Sir Percy sa agarang pagtugon ninyo sa hinaing naming mga mahihirap, kasama na dýan ang butihing alkalde ng Maynila na si Mayor Alfredo S. Lim. Nawa ay malagpasan na ni Mayor Lim ang trahedya na ipinaparatang sa kanya sapagka’t kailangan pa ng Maynila ang kagaya niya.

Pagpalain po kayo ng Diyos!”

Maraming-maraming salamat po kay Dr. Martin at sa lahat ng kanyang mga katuwang sa kanilang patuloy at walang sawang pagtulong upang maglingkod sa ating mga kapus-palad na kababayan.

Mabuhay po kayong lahat sa Mother and Child Maternity Hospital!

1 comment:

  1. Stupid keyboard warrior hiding behind a computer under the protection of anonymity.

    ReplyDelete