Friday, January 28, 2011

Paliwanag ng DFA at RP Embassy sa Tokyo

INYONG matutunghayan ang liham ni Department of Foreign Affairs (DFA) Asst. Sec. J. Eduardo E. Malaya bilang sagot sa kamakailan ay inilathala nating reklamo mula sa ilang kababayan nating OFW sa Japan laban sa mga aroganteng tauhan ng Philippine Embassy sa Tokyo.

Ang liham ni Assec. Malaya, spokesperson at head ng Public Information Services Unit (PISU) ng DFA, ay base sa isinagawang “imbestigasyon” at paliwanag ng tanggapan ni Ambassador Manuel Lopez laban sa kanyang mga tauhan na ginagawang bisyo ang pambabastos sa mga kababayan nating OFW na dumudulog sa Konsulado ng ating Embahada sa Tokyo. Narito po ang kanilang paliwanag (may petsang Jan. 26, 2011):

Ginoong Lapid:

Gumawa po ng masusing pagsisiyasat ang Embahada ng Pilipinas sa Tokyo ukol sa idinulog na reklamo ng ating kababayan sa inyo na inyong isinulat sa Hataw noong 17 Enero 2011.

Narito po ang resulta ng imbestigasyong isinagawa ng Embahada:

1. The Embassy’s Consular Section has been crowded for the first ten (10) days of January due to increased number of applicants. During the date in question, January 12, the Embassy processed a total of 138 passport applications excluding other consular applications like civil registration, notarials, visas and authentication.

2. The Embassy’s Consular Section opens at 9:00 AM and not at 1:30 PM as indicated on the complaint in your column. In order to better manage the flow of applicants (especially during peak days), the Embassy has employed a “numbering system” wherein the first 50 applicants are processed in the morning. The rest, from the 51st applicant onwards are advised to return at 1:30 PM. Their names are recorded in the logbook and they are given numbers upon their return.

3. In addition, the Embassy has instituted an online passport application system to make it more convenient for the public. Each online applicant is given an appointment schedule to avoid the long queues for walk-in applicants.

4. The Consular Section has five (5) separate transaction windows and not only one window as pointed out by the complainant. There is one window each for passport, for civil registration, for notarials, for visa and authentication and for the cashier. Admittedly, the current office configuration is not sufficient to accommodate a fairly large number of applicants. However, the Embassy has always endeavored to facilitate the filing and processing of applications to reduce the waiting time of applicants. The Embassy has also been implementing “an Applicants Only Policy”, except for those bringing their small children or those who need to accompany the elderly and the disabled, to minimize crowding in the public area.

5. The Consular staff confirmed that a lady applicant, who experienced dizziness, was accommodated ahead of the others who were in line. The consular staff said their attention was called by another applicant regarding the condition of the lady. The Consular staff said that “they did not make any unkind remark” to the lady. They said that one of the applicants, who was also in line, joked that they should also be accommodated since “they were also dizzy.” This elicited laughter but the joke was never meant to insult the lady.

6. The Consular staff who processed the lady’s passport application said that the processing went smoothly and without any delay.

7. The Consular staff does not recall any other incident which occurred during that day wherein an applicant was maltreated and insulted as alleged in the complaint.

Samakatuwid, bukas po sa umaga at hapon ang Embahada upang magbigay serbisyo sa mga kababayan nating nasa bansang Hapon. Binibigyan lamang po ng “priority numbers” ang mga aplikante upang mas mapadali ang pagbibigay serbisyo sa lahat.

Gayundin, marami pong bukas na “service windows” na nakalaan para sa iba’t ibang transaksyon ng ating mga kababayan.

Gayunpaman, humihingi po kami ng paumahin kung nasaktan man po ang ating kababayan sa pag-aakalang pinagtawanan siya sa kanyang kalagayan. Hindi po intensyong makasakit ng damdamin ninuman ng ating kawani sa ganoong klaseng sitwasyon.

Ayon kay Ambassador Manuel Lopez, ginagawa po ng Embahada ang lahat upang patuloy na maihatid sa ating mga kababayan ang mabilis, maayos at angkop na serbisyo sa ating mga kapwa Pilipino sa bansang Hapon.

Maraming salamat po.”

Abangan sa susunod ang mga reaksiyon sa “imbestigasyon” at paliwanag ni Amb. Lopez at ng Embahada.

2 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Sa totoo lang Hindi naman lahat ng empleyado as Philippine Embassy Tokyo mga arogante pero may iilan siguro. Kakarenew ko lang aking pasaporte mabilis naman ang proseso ang ayaw ko lang may isang empleyado sila doon sa window 7 (lalaki medyo chubby at nakakalbo na) kung umasta parang mga bingi mga applicants sa kanya. Pagalit at pasigaw kung kausapin nya mga kakabayan natin para namang hindi nya kababayan mga kausap nya. Pwede naman kausapin nya ng mainahon Hindi ganon ang asta. Sana sa susunod maging mas maayos na siyang makipag usap. Un lang po nashare ko lang.

    ReplyDelete