Thursday, January 20, 2011

Pambabastos sa OFWs ng RP Embassy staffs sa Tokyo kinondena

DINAGSA ng reaksiyon ang sumbong ng ating mga kababayang OFW laban sa mga arogante at bastos na empleyado ng Philippine Embassy sa Tokyo, Japan.

Ang reklamo na ipinag-utos imbestigahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay magkasunod nating itinampok nito lamang nakaraang Lunes at Miyerkoles sa pitak na ito at sa ating programang ‘Lapid Fire’ sa DWIZ (882 Khz/AM band) na sabayang napapakinggan at napapanood ng live sa buong mundo via ustream.tv/channel/lapidfire-dwiz sa internet, mula 12:00 mn - 1:00 am, Lunes hanggang Biyernes .

Tunghayan ang ilan lamang sa ipinadalang reaksiyon sa atin:

L. DE GUIA (Japan) – “Totoo pong mga walanghiya ang mga tao dito sa loob nang Embahada ng Tokyo, Japan, wala silang awa sa kapwa nila Pilipino. Ang nangyari naman sa amin ay umuulan, hindi kami pinapasok sa loob, pinapabayaan kami sa labas na basang-basa sa ulan. At ‘yung kasama ko, may dala pang mga anak n’ya, malayo pa po ang pinanggalingan namin. Pumunta kami nang maaga para mauna sa linya, kailangan namin ma-renew ang expired naming passport para nga makauwi diyan sa ‘Pinas at ito po ang ginawa nila sa amin? At kaunting pagkakamali lamang sa papel or dokumento, hindi tama ang size, pinapabalik nila kami para i-zerox uli at balik ka uli sa dulo ng linya. Pahirap po ang binibigay nila sa kapwa mga Pinoy, wala po silang awa sa mga may trabaho pa sa gabi at malayo pa ang inuuwian, at may mga maliliit pang anak na dala-dala. Magpapasalamat kami ng malaki kung mabigyan ng katarungan ‘yong mga asal ng Phil. Embassy rito sa Tokyo, Japan na mayayabang at mga bastos, akala mo sila lang ang tao sa mundo! Ang pangbabastos n’yo sa mga kapwa n’yo Pinoy at Pinay ay dapat lang ireklamo. Sa totoo lang, wala kayong karapatan sa inuupuan n’yo ngayon. Mga bastos kayo sa Phillipine Embassy ng Tokyo! Sana po dinggin ninyo ang mga reklamo namin dito, palagi po kaming nakikinig sa programa n’yo. Mabuhay po ang LAPID FIRE! Salamat po!”

* * *

TIGRA DU (Manila) – “Your program is really a big help! Narinig ko nga ho the other nite sa programa n’yo aside from having read them in your newspaper column.”

* * *

HIROYUKI (Tokyo, Japan) – “Yes it’s true, kung wala ang programa at kolum ni Mr. Percy - ang Lapid Fire- masakit isipin ‘yung pambabastos sa amin. Oo, kasama ako, siksikan ang haba ng pilang pinahirapan n’yo. Konting mali sa papel ko pinabalik n’yo ako sa likod ng pila para mag-zerox ulit, naninigaw pa kayo! Nag-panic ako dahil ipinahiya n’yo pa ako sa maraming tao, mga bastos kayo! Hindi n’yo ba alam na pinadala kayo rito para tulungan kami, hindi para babastusin? May narinig pa ako sa inyo diyan sa isang Pilipino, lumapit din sa inyo anong sabi n’yo diyan sa loob? Papunta-punta pa kasi dito sa Japan. Dapat bang sabihin ‘yan sa Pinoy na nandidito na sa Japan? Mga walanghiya kayo, maglagay kayo ng ID para may pangalan kaming mabanggit, huwag n’yong itago ang pangalan nyo! Mayayabang!”

* * *

MYLA DAVID (Japan) – “Dapat lang na ‘di tinatago ang mga ID nila para madali silang makilala. May itinatago ba sila kaya ayaw nilang magpakilala sa mga tao? Isa na rin ako sa nakaranas niyan, buti na lang may nagreklamo na! Abusado na kayo, eh! Salamat ng marami kay Mr. Percy Lapid dahil may pumukaw sa mga bastos na pag-uugali ng mga taga Tokyo Embassy! ‘Buti na lang may LAPID FIRE! Banzai!”

* * *

VIRGIE ONG (QC) – “Percy, pity those OFW. Malaking sacrifices para magtrabaho sa ibang bansa para kumita ng kaunti for their family.”

* * *

EDGIE F. GO – “Ganyan ba ang mga pinapasuweldo natin sa mga hayop na ‘yan na kung tawagin pa naman eh embalsamador, este. ambassador para lang bastusin ang mga OFW natin na kung tawagin natin eh bagong bayani?”

* * *

MARTIN DE LEON – “Dito natin makikita kung ano ang sinasabi ni P-noy na tuwid na landas. Balasahain AGAD ang Embahada sa Japan. Pagkuha pa lang ng dokumento ‘yan. Paano na kung pagsagip ng buhay? Isang Pinoy na tatakbo diyan sa pag-asang santuaryo ‘yan para sa kanya?”

* * *

RURIK SANCHEZ – “Sobra pa sa bastos, mga P.I. ‘yang mga ‘yan na staffs ng Phil. Embassy sa Japan! Mga dorobo, linta! Lahat na ng kawalanghiyaan nasa kanila, mula’t sapul bastos na ‘yang mga ‘yan!”

* * *

TSUBAMI SAWADA (Japan) “Dapat sa inyo pauwiin na kayo, mga bastos! Baka meron pa kayong matinding gawin sa kabayan namin diyan sa Tokyo. Hindi pala kayo asal-tao, mga mayayabang! Sa kubeta kayo ng ‘Pinas nababagay magtrabaho! Mga feeling diplomat (kuno)!

* * *

JOY (Tarlac City) – “Salamat sa pagtulong n’yo sa ating mga kababayan. Dapat paalisin ‘yan panot na empleyado ‘yan sa Phil. Embassy, tutal maraming walang trabaho. Kasi baka pagalitan lang ng konti kaya wala din mababago sa ugali, paulit-ulit lang.”

No comments:

Post a Comment