Friday, February 11, 2011

Mga naipuwesto ni Pichay sa Customs dapat silipin, sipain

ANO ang palagay niya sa akin, small time?

‘Yan daw ang buong pagmamayabang na sambit ni dating Surigao Rep. Prospero ‘Butch’ Arreza Pichay kasunod ng pagbubulgar ni retired Col. George Rabusa sa imbestigasyon ng Senado na tatlong beses siyang tumanggap ng halagang tig-P500,000 sa magkakahiwalay na pagkakataon mula sa pondo ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa sinabi niyang ‘yan ay lalo nga siyang dapat imbestigahan hindi lamang ng Senado at Kamara kundi pati na ng tanggapan ni Commissioner Kim Henares ng Bureau of Internal Revenue (BIR). Si Pichay ay kabilang sa mapapalad na nagtamasa ng todo sa panahon ni GMA.

Katunayan, nanguna siya sa may pinakamalaking winaldas na pondo sa kampanya bilang isa sa mga pambatong kandidato ni GMA para senador na natalo noong 2007 elections.

Sabi nga ni retired Commodore Rex Robles sa isang radio interview na narinig natin kasunod ng pagkamatay ni former Sec. Angelo Reyes, dapat daw laliman pa ng Senado ang imbestigasyon kay Pichay tungkol sa ibinulgar na pagtanggap nito ng halagang P1.5-M mula sa pondo ng mga sundalo.

Mga “bata” ni Pichay silipin din ng BIR sa “unexplained” wealth

KABILANG sa mga dapat silipin ng BIR ang mga magnanakaw na opisyal at empleyado na inirekomenda ni Pichay sa matataba at nagmamantikang puwesto ng Bureau of Customs (BOC).

Panahon na para sibakin ang kanyang mga kampon sa Customs na hanggang ngayon ay naka-puwesto pa upang hindi na makapagnakaw pa. (Kahit itanong n’yo pa kay Ms. Aimee Cruz, ang maganda at kaakit-akit na reviewer sa tanggapan ni Deputy Commissioner Horacio ‘Toto’ Suansing, Jr.!)

Si Pichay ay sinasabing malapit na kaibigan din ng isang “Harigold”, ang umano’y No.1 smuggler sa Port of Cebu na kasosyo ng ilang tiwaling opisyal sa Customs at NBI na sangkot sa smuggling. (Hindi ba, Ms. Cruz?)

Abangan kung sinu-sino sila!

Dating “crony” nina Jimenez, Delos Angeles

MATATANDAAN na noong congressman pa si Pichay, siya ay malapit na “crony” o kabarkada din ng ilang kilalang “character” at may mga kaso pero masalaping personalidad na tulad nina dating Rep. Mark Jimenez (aka Mario Crespo) at Celso delos Angeles.

Si Pichay ang handler na sumundo kay Jimenez hanggang sa makalabas ito mula sa kulungan sa Estados Unidos ng America at bumalik sa bansa para magdiin kay Erap.

Ang hindi lang natin alam ay kung nasaan na si Jimenez na sinasabing ipinasok umano sa isang rehab o institution.

Bago naman nabilanggo si Delos Angeles sa kasong panggagantso gamit ang kompanyang Legacy, sa kanya isinalya ng malaking halaga ni Pichay ang isang tabloid na dati nitong pag-aari.

Kaya dapat lang silipin din ang salaping ipinambayad ni Delos Angeles kay Pichay sa ibinentang peryodiko na ang salapi ay galing sa hinuthot ng kompanyang Legacy sa publiko.

Ano’ng sey kaya ni former Vice President Noli de Castro?

Reaksiyon sa pagkamatay ni former Sec. Angelo Reyes

CG – “A deep sense of pity and sympathy to all the bereaved. I do not understand where some have made conclusions that suicide is cowardice. If indeed ATR had chosen to go that way, I can only surmise that it wasn’t fear for himself but for any imminent danger that inevitably will come the way of his loved ones — a wish that all cases of unjust enrichment within the military and all functions of government be unearthed.— a prayer that all men, tayong lahat, realize that we all have inherent human weaknesses and are not free of sin, that in one way or another, we would all have encountered a situation where we, innocently, unknowingly or quite consciously, enjoyed favor over another unjustly — that we all be aware of corruption in all forms, from bringing home even just one small piece of paper clip or pen or anything that isn’t ours but belonging to either our work place, the government or any private institution, to a sin of bigger magnitude, and that we resolve to amend, correct and pay the price for any injustice by commision or omission that we have done, known or not by the aggrieved and the public.”

No comments:

Post a Comment