Thursday, February 17, 2011

Sec. Romulo, POEA at OWWA puro inutil

TAYONG mga Pinoy na yata ang pinakamalas na mamamayan na isinilang para gampanan ang papel ng mga parurusahan at mamamatay sa mundo.

Kahit saan tayo magpunta, kundiman inaabuso ay lagi na lang tayong talo at agrabyado.

Palibhasa, ang 3 kababayan natin sa China na nakatakdang bitayin ay hindi congressman at ang apelyido ay nagmula sa angkan ng mga maimpluwensiyang tao dito sa atin kaya ang pagbitay sa kanila ay nakatadhana na.

Ang kanilang kaso ay hindi tinutukan ng media at ng gobyerno dahil hindi sila masalapi at maimpluwensiyang tulad ni Rep. Ronald Singson na konting utot ay nakabalita na.

Kung kelan huli na ang lahat at nakatakda silang bitayin ay saka lamang nag-uunahan ngayon ang mga gustong umepal gayong imposible na silang maisalba.

Marami pang Pinoy sa iba’t ibang bansa ang nakasalang sa bitayan na walang pumapansin at magiging interesado lamang ang lahat sa kanilang kaso kapag malapit na ang petsa ng kanilang kamatayan.

Hindi natin masisisi ang mga bansa na ginagawang example sa pagbitay ang mga Pinoy dahil alam nila na pareho lang naman ang kapalaran ng mga ito sa sarili nilang bayan sa Pinas.

Nagkataon nga lang na du’n sa ibang bansa sila nahuli.

* * *

NOONG isang buwan pa balitang sisipain sa kanyang puwesto si Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Alberto Romulo, bago pa man naitakda ang pagbitay sa 3 kababayan natin sa China.

Sana, ang masasama at walang kuwentang patakaran sa pamumuno ni Romulo ay bitbit na rin niya sa kanyang nalalapit na paglayas sa DFA.

Isa sa pinaka-masamang patakaran na pinairal sa panahon ni Romulo ay itikom ang kanilang bunganga at ilihim ang kaso ng mga Pinoy na bibitayin sa ibang bansa.

Matatandaan na ni ha, ni ho ay wala man lamang ibinigay na update si Romulo at ang DFA tungkol sa kaso ni Dondon Lanuza, isang OFW na nakapatay sa kanyang employer at nahatulan ng parusang bitay sa Kingdom of Saudi Arabia.

Ang kasong ito ay inilathala natin sa ating kolum noong Oct. 2009 subali’t kahit katiting ay walang itinugon ang DFA upang ipaalam sa atin kung ano ang ginagawa ng pamahalaan sa kaso ni Lanuza.

Mahigpit daw ang DFA sa pagpapalabas ng anumang impormasyon sa kaso ng mga bibitayin.

BI coddler ng mga pugante

SABI ni Bureau of Immigration (BI) OIC-Commissioner Ronaldo Ledesma, wala raw silang natatanggap na request mula sa Japanese Embassy para arestuhin at ipa-deport si Minako Komukai, ang Haponesang stripper-actress na nagtatago ngayon sa Pinas.

Kailangan pa ba ang official request ng Embassy kahit alam nila na ang isang dayuhan ay wanted sa kanilang bansa? He, he, he!

Si Komukai ay wanted sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng husgado sa Japan at una nang nahatulan ng parusang pagkabilanggo sa kasong paggamit ng ilegal na droga.

Ayon sa mga impormante natin, itinatago si Komukai ng isang grupo ng mga ‘Yakuza’ na naka-base sa bansa.

Ang mga Yakuza na nagkakanlong kay Komukai ay kapwa niya rin wanted at sangkot sa iba’t ibang criminal activities, tulad ng “protection racket” sa mga Japanese establishment dito sa bansa.

Mga gago!

Smuggling ni alyas Boy Valenzuela

Isang mapagkakatiwalaang source natin ang nagbigay ng impormasyon na nagiging talamak na ang SMUGGLING activities ng isang alyas BOY VALENZUELA sa Port of Batangas.

Ayon sa ating ompormante, ang mga kontrabando ni Valenzuela ay nangggaling sa PoM at MICP ay transhipment papuntang Port of Batangas pero hindi na ito nakararating doon.

Illegal diversion ang tawag dito. Ipinagyayabang pa ni Boy Valenzuela na ‘timbrado’sa ilang tiwaling Customs Officials ang kanyang modus-operandi.

Customs Comm. Lito Alvarez, magandang TIP po itong ibinibigay ko sa inyo.

Kalusin na ninyo si Smuggler Boy Valenzuela!

Yumaong Sec. Reyes, hindi bayani

SSJ – “Action speaks louder than words. It only shows, Idol Percy, that those bunch of evil liars are really guilty. I hope they make Angelo Reyes as a role model.”

* * *

CP – “May konsensiya pa rin siya kaya niya ‘di nakayanan dalhin ang problema. Sana binulgar muna niya kung ang mga katiwalian na ito ay may blessings ni Gloria, baka hangaan pa siya ng mga tao sa pagpapakamatay niya.”

1 comment:

  1. In addition to Boy Valenzuela the smuggler, kindly check the very new "Elvinario Hacienda" in Silang cavite owned by this filipino smuggler. According to my source cost of the hacienda reaches 300 Million. Also his brother is now running for governor with the help of Boy.... Pwede pala maloko ang gobyerno noh...

    ReplyDelete