Sunday, February 13, 2011

Puganteng ‘Porno Queen’ na wanted sa Japan, sa ‘Pinas nagtatago; Hawak daw ng ‘Yakuza’, BI exec

KUMPIRMADONG dito sa bansa nagtatago ang puganteng Haponesa na si Minako Komukai, isang kilalang “stripper-actress” sa Japan.

Si Komukai, 25 anyos, ay pinaniniwalaang hawak ng isang grupo ng mga kinatatakutang “Yakuza” na naka-base sa bansa, kasabwat ang ilang tiwaling opisyal at tauhan ng Bureau of Immigration (BI), Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI).

Ang actress ay wanted sa Japan at unang nahatulan ng hukuman sa kasong illegal possession at paggamit ng ipinagbabawal na “shabu” noong Feb. 2009.

Bagama’t ang hatol na pagkabilanggo laban sa kanya ay suspendido, si Komukai ay muling ipinag-utos na arestuhin matapos lumabas ang kanyang pangalan sa listahan ng mga regular customer na bumibili ng droga sa sindikato ng mga Hapones at dayuhang Iranian sa Japan na nadakip ng Metropolitan Tokyo Police, ilang linggo ang nakararaan.

Base sa official record ng BI, si Komukai ay nakapasok sa bansa noong January 21 sakay ng Delta Airlines mula sa Tokyo.

Noong Feb. 8, sa tulong ng mga tiwaling opisyal at tauhan ng BI at ng isang travel agency, nagawang makakuha ni Komukai ng “extension” upang makapamalagi sa bansa na tatagal hanggang March 21.

Ayon sa mga impormante natin, si Komukai ay itinatago ng mga miyembro ng Japanese Yakuza sa bansa na kumakanlong sa kanya at posibleng konektado rin sa sindikatong nadakip sa isinagawang raid ng Metropolitan Tokyo Police, kamakailan.

Maliwanag na may mga hindoropot na tumulong kay Komukai upang siya ay makakuha pa ng extension sa BI, imbes na siya ay arestuhin at ipatapon pabalik sa Japan.

Ayon sa ating impormante, si Komukai ay huling nakita sa Makati sakay ng isang taxi. (Kasalukuyan na nating inaalam ang detalye tungkol diyan.)

Kunsabagay, hindi nga kataka-taka na pati mga terorista at drug trafficker ay malayang naglalabas-pasok ditto sa bansa.

Kaya naman ilang beses nang nanguna at naging Number 1 pa ang Pilipinas sa listahan ng mga bansa sa mundo na talamak ang human trafficking at human smuggling. (Kahit itanong pa ni P-Noy kay Immigration OIC-Commissioner Ronaldo Ledesma!)

Sinu-sino nga ba sa BI ang protektor na tumutulong kay Komukai at sa sindikato ng mga Yakuza dito sa bansa?

Abangan!

***

NASAAN ANG BARIL, CELLPHONE NI SEC. REYES

TEOFILO SANTIAGO – “In the absence of forensic report the suicide case of Mr. Angie Reyes is not officially closed. Because others are implicated foul play cannot be ruled out. Watch out for those elements who want to discontinue the Senate hearing. They must be restless.”

***

SSJ – “Action speaks louder than words. It only shows, Idol Percy, that those bunch of evil liars are really guilty. I hope they make Angelo Reyes as a role model.”

***

CP – “May konsensiya pa rin siya kaya niya ‘di nakayanan dalhin ang problema. Sana binulgar muna niya kung ang mga katiwalian na ito ay may blessings ni Gloria, baka hangaan pa siya ng mga tao sa pagpapakamatay niya.”

***

JC – “Ang masasabi ko lang, kung wala siya talgang kasalanan e, dapat pinaglaban talaga niya, hindi ‘yung kinitil niya ang sarili niyang buhay. So, tao nal ang ang makahuhusga kung ano ba tlga ang totoo. At sana nag-iwan si Sec. Angelo Reyes ng note na nagsasabi kung ano nga ba ang katotohanan. Condolence po, para sa family ni Sec. A.R.”

***

ML – “Ayan na, may nakonsensiya na, may nag-harakiri sa baril! ‘Yung susunod naman diyan, babangungutin dahil hinihila sila ni Sec..Angie Reyes para sumama sa kanya. Siguradong hinde papayag ‘yun kung siya lang ang aako. Kaya kayong nasa loob na mga mandurugas, humanda na kayo!”

***

RS – “Hindi niya kayang harapin ang katotohanan kasi siguro totoo. Kung wala kang kasalanan, you have to stand and fight for it no matter what the consequences is. There is always a God that sees everything. Ngayon nagpakamatay siya, saan kaya siya pupulutin?

***

KM – “Tandaan lang natin, mas maraming namatay na sundalo dahil sa corruption ng mga official na ‘yan!”

No comments:

Post a Comment